Chapter 23

2974 Words
Racelle POV Kabadong-kabado akong nakasilip sa backstage habang isa-isang pinagmamasdang maigi ang paglalakad ng mga co-models nila Jerome at Yvonne. Maayos ang kanilang paglalakad, dahil sila pa mismo ang nag-rehearse sa mga ito at napapagaya pa nga ako sa kanila habang palakad-lakad dito sa backstage dahil sa kaba. Gowns at pambabaeng damit ang ipinakita ko sa publiko, Dawalang suits for boys ang aking nagawa kaya ako'y kinakabahan sa reaksyon ng mga inimbitahang bigating designers na may matunog na pangalan sa fashion industry. May mga piling artista rin akong natatanaw rito at naimbitahan din ang idol kong artista sa fashion week. Damn. Kumusta kaya ang designs ko sa kanila? It is inspired from the traditional clothes of Philippines with a modern twist of our today's generation. May ngiti ako sa labing sinundan ng tingin ang dalawang magkasintahan nang sila na ang maglalakad upang irampa ang aking design. They're both confident to walk on this long pathway of the stage. Yvonne's body is coca-cola and she is professional model. Alam niya kung anong postura ang gagawin nito, paikot-ikot pa nga ito na damang-dama ang malakas na palakpakan ng tao sa kaniya maybe that's the effect of being a model and actress. Pinasok na niya ang mundo ng showbiz napanood ko nga sa TV na isa siya sa gaganap sa inaabangang teleserye, akala ko kontrabida ang role dahil bagay na bagay niya pero she is just a supporting actress is her role on her upcoming teleserye, best friend of the protagonist. Sunod kong sinulyapan ay ang swabeng paglalakad ni Jerome, just like Yvonne, he really became a model. Iniwan at kinalimutan na nito ang fashion industry pero balita ko he wants to try and compete with me ngunit ang sabi niya sa akin kanina ay gusto rin daw niyang mag-artista. Ayaw raw niya kasing magkaroon ng ibang ka-love team si Yvonne sa showbiz lalo na't nali-link na ito sa isang actor. Nagtama ang mga mata namin ni Yvonne. Nginisian niya ako nang makita. Huminga ako nang malalim at tumalon-talon pa sa aking kinakatayuan para tanggalin ang kabang nararamdaman hanggang sa tawagin ako ng host. "Ladies and gentlemen here's the designer of this stunning gowns and suit, Racelle Cruz!" taas noo akong naglakad na may malawak na ngiti sa labi. Ang kaba ay nasa akin pa rin pero gaya ng paalala sa akin ni Yvonne, walk confidently, think that you are the only here. Itinaas ang palad at kumaway sa kanila sabay yuko pa nang marating ko ang dulo ng stage kasabay nang malakas na palakpakan nila dahilan upang madagdagan ang kaba ko ngunit nandito ang saya sa puso. This is the feel of being on the crowd, approaching you from the warm of applause. Finally, I succeed this day and one of my dream achieved. Nag-uumpisa na ang career ko sa publiko as a fashion designer. -- “Racelle, tara na! Huwag kang killjoy!” sigaw ni Yvonne sa akin nang maabutan niya akong nakaupo sa hagdan nang nakapangalumbaba. Tumingin lang ako sa kaniya at umiling. Nakipagtitigan ako sa putting dingding, napaka-boring ng kulay. Parang ako lang, iisang kulay lang ang nakulayan sa mga gusto kong mangyari. Puwede bang siya rin? Unbelievable dahil binawi niya ang sinabi nito sa akin, masaya pero bakit? Did he realize or he just pity me? Ewan. Basta ang mahalaga ay pinanatili niya ako bilang kaniyang kaibigan. Suminghap ako’t tumingala. “Lord, kailan siya babalik sa akin? Hanggang kailan ako maghihintay?” pabulong kong tanong sa kawalan. Nagpakawala ako nang malalim na buntong hininga sabay irap sa kawalan. “Ano na naman bang sinesenti mo d’yan at ayaw mong sumama?” inis nitong tanong saka niya ako pumaywang sa harapan kong salubong ang dalawang kilay. Umismid ako sa kaniya. Hindi ko kayang sikmurahin sa ngayon ang pagtataray nito. “Wala, sige umalis ka na at baka mahuli ka pa sa pupuntahan niyo,” sabi ko at ikinaway ang kamay, isinesenyas na umalis na ito. Baka kasi masisi naman ako kung bakit late sila o kung bakit ‘di nila nasipot ang kikitain nila. Pakiramdam ko kasalanan ko kung bakit hindi na sinipot ni Kitian si Richie kahapon, pero nakakakilig lang dahil may concerned pa pala siya sa akin pagkatapos niya akong pakitunguhan ng mas malamig pa sa yelo. “Si Kitian na naman ba? Siya ba ang dahilan kaya ka mukhang sabog kanina?” untag nitong tinapik pa ang hita ko nang may kalakasan. Sumulyap ako sa kaniya na gano’n pa rin ang kilay niya. Para bang kakainin ako o sasagasaan ako ng kilay niya sa pagsalubong nito. “Bakit palaging siya?” “Mahal ko kasi,” sagot ko nang nakangiti pero kumunot ang kaniyang noo. “Mahal mo nga ba talaga? Racelle, kilala mo na ako kahit hindi tayo gaanong close pero siya ba talaga ang mahal mo?” kinunutan ko siya ng noo at bahagyang tumaas pa ang isa kong kilay. Bakit kailangan pa nilang alamin kung sino talaga ang mahal ko? Hindi pa ba obvious? Umirap ako sabay singhap. “Bakit?” Tumawa siya sa patanong kong sagot. “Anong bakit? Tinatanong ko kung sino ba talaga ang mahal mo, si Kitian na pinili mo at para sa akin ay parang napipilitan ka lang sa sarili mo at sinasabi mong siya ang mahal mo dahil iyan ang sinasabi ng isip mo o si Tristan na hindi ko alam kung bakit palagi kang aligaga tuwing naririnig mo ang pangalan niya?” napahilamos ako sa aking mukha sabay pakawala ng dalawang buntong hininga nang magkasunod. Sumimangot sa kaniya habang sinasampal naman ako ng pagtaas ng kilay nito. “Hindi ko alam…” nakapikit kong sagot nang malumanay. “Ang gulo mo, Racelle. Ang gulo mo magmahal. Dapat alam mo kung sino dahil hindi puwedeng dala—” “Si Kitian ang mahal ko, gusto ko lang ng closure kay—” pinutol ko ang sinabi niya at hindi rin ako nito pinatapos magsalita. Rumehistro sa kaniyang magandang mukha ang matinding pagkainis sa akin na nagpakawala pa ito nang malalim na pagbuntong-hininga. “Ewan ko sa ‘yo, Racelle. Ang gulo mo kausap. Hindi kita maintindihan kaya ka siguro nasasaktan palagi dahil hindi mo alam kung paano magmahal ng totoo. Palagi ka na lang kasing nagloloko, lalo na sa damdamin mo.” Hindi ako naimik sa sinabi niya sapagkat nanatili akong nakatingin sa kaniya, pinagmamasdan lamang siyang mainis sa aking mga pinagsasagot at ikinikilos. You can judge me and give advices but you can’t control and questioned my decisions. Alam ko naman kung hanggang saan ako, alam ko namang lumugar kahit papaano. Hindi ko na ipinagsisiksikan ang sarili ko sa kaniya dahil na-realize kong pinapagod ko lang ang sarili. Ayos na akong nakatingin sa kaniyang nasisilayan ang ngiti niyang nakaka-miss makita no’ng ako pa’y kaharap niya. Basta masaya siya masaya na rin ako kahit masakit na sa iba siya masaya ngunit mananatili pa rin ako ditong naghihintay. Mananatili ako kahit kurot-kurutin ng paulit-ulit ang puso ko sa makikita dahil pangangatawanan ang aking desisyon. Papatunayan ko pa kay Mama na nagkakamali siya, na magiging kami rin sa huli. Lumipat ang mga mata ko nang biglang may parang kabayo kung makatakbo palapit sa aming direksyon at pasigaw pa nito kaming tinawag upang agawin ang atensyon namin. “Bakla, Yvonnyita!” Agad niyang hinapit sa baywang si Yvonne habang halatang inis naman ito. “Bakit?!” pasinghal niyang bungad kay Jerome na kunwaring nagulat naman ito at bago lang sa kaniya ang gano’ng bugad. Naipuwesto pa nito ang kamay sa dibdib. “Huwag ka namang manigaw, tinatawag lang naman kita!” nakasimangot pa rin akong nailing sa kanila. Sumulyap sa akin si Yvonne nang naiinis, naasiwa sa akin ngunit umismid lang ako sa kaniya. “Kausapin mo ‘yang best friend mong parang gulong, paikot-ikot hindi maintindihan. Hintayin ko na lang kayo sa van, bilisan niyo dahil naghihintay na rin sila.” sinundan ko lamang siya ng tingin nang agad siyang umalis nang nagmamadali at dinig na dinig pa ang pagtama ng heels nito sa sahig. “Yvonnyita!” tawag ni Jerome sabay kamot sa kaniyang batok dahil iniwan siya nito. “Oh?!” pagalit niyang tugon nang lumingon ito sa gawi namin. “Kiss muna bago ka umalis.” sabay nguso nito. Umirap ito nang bonggang-bongga at tumalikod. Mabuti na lang at sanay na si Jerome sa ka-malditahan ng kaniyang nobya, dahil ako kahit sanay na simula no’ng kontrabida pa siya sa buhay ko ay naiinis na ako ngunit nagtitimpi lang. “Mag-toothbrush ka na muna!” sigaw niyang sagot bago tuluyang makalabas na nag-echo sa loob. Bumuntong hininga si Jerome sabay lingon nito sa akin, umiwas ako ng tingin dahil pati siya ay magtatanong na rin. I hate this feeling, palagi na lang akong center of attention sa kanila. Bakit kasi palaging ako, hindi ba puwedeng si Kitian din? Siya dapat ang pinapaulunan ng kyuryosong katanungan, hindi ako. “Ano na namang sinasabi ng isang ‘yon sa ‘yo?” tinapik niya ang paa ko para lingunin siya at tignan sa mata. Umikot ang mga mata ko saka umayos ng upo habang siya ay nanatiling nakatayo sa aking harapan, nakapatong ang braso sa aking hita. “Jerome, puwede bang huwag niyo na lang akong pansinin? Hindi niyo lang din kasi ako maiintindihan,” pakiusap ko sa kaniya. pinakatitigan ako nito at akala ko’y papayag siya subalit si Jerome nga pala ito, palaging kumukontra muna bago pumayag sa kagustuhan. “Paano ka namin maiintindihan kung sarili mo mismo hindi mo maintindihan? We’re just concern to you, hindi mo ban a-appreciate ang mga ‘yon? Sorry kung makulit kami, sorry kung palagi ka naming kinukuwestyon dahil nararamdaman naming nagsisinungaling k—” itinapat ko ang aking hintuturo sa labi niya to cut his speech. “Jerome, hayaan niyo na ako. Problema ko ito hindi niyo na kailangang mangialam. Maaaring napapansin niyo pero ako itong nakakaramdam kaya naman huwag niyo akong palaging kuwestiyunin. I know myself because this is me and you? You know me, but you are not me.” Hinawi niya ang kamay ko at segundo akong tinitigan. “Siya, tara na, hinihintay na nila tayo do’n.” nakahinga ako nang maluwag nang hindi na siya kumontra, salamat dahil naiintindihan niya ako. “Hindi ako sasama,” maikli kong tugon bilang pagtanggi. Hindi maganda ang timpla ko ngayon. Tinatamad akong maglakad-lakad upang magliwaliw sandali at kalimutan ang kalungkutan dahil gusto kong mapag-isa kahit na’y ang resulta ay mas lalo akong lulungkot. Hinawakan niya ang dalawang kamay kong nakapatong sa kandungan ko. Mahigpit ang hawak niya. “Bakit? Puwede bang gumala-gala ka rin, huwag kang magmukmok? Can you enjoy your life than isolating yourself with him? He’s enjoying his life without thinking that he is hurting you, so, can you do it also? Think yourself first before him.” tumingin lang ako sa kaniya nang blanko. I can’t give any expressions, I just want to stare at them blankly and just let them look at my eyes. Nakikiusap ang mukha niya sa aking tumingin. “Huwag ka munang maging tanga, ngayon. Kailangan ka namin for someone.” hindi ko naman matanggihan ang nakikiusap ng kaibigan ko kaya sumama ako sa kaniya ng walang imik. Tumapat kami sa isang grey na van. Nagtataka pa nga ako kung bakit ang laki naman ng sasakyan nila, eh, dadalawa lang naman sila ni Yvonne. Pagbukas ni Jerome nang pinto ay nagulat ako sa sumalubong sa akin. “Racelle, congratulations for your fashion week!” sabay-sabay nilang sigaw nang malakas na nakakatulig dahil sinabayan pa nila ito ng hiwayawan at palakpakan saka may pa-banner pang hinanda ang tatlong hari, habang nagpaputok naman ng party popper si Claire at Melissa na nasa b****a ng van habang mabagal namang pumapalakpak si Yvonne sa tabi ni Melissa na naka-fierce look. Umakbay sa akin si Jerome at bumulong, “Congrats, bakla.” “S-salamat.” nauutal-utal kong wika sa kanila dahil hindi inaasahang pupunta pa ang mga busy peps dito para i-congratulate lang ako. nakaka-overwhelmed sa puso. Mahinang itinulak ni Mike si Justin na nakasara sa kaniya. Nilapitan niya si Claire na nasa b****a ng van at inakbayan ito. “Magpakain ka na!” masigla at masaya niyang sigaw sa akin. Mukhang pagkain talaga kahit kailan ang Casanova King na ‘to. Binigyan ko siya ng sa-girlfriend-mo-ikaw-magpalibre-ng-makakain look. “You guys are all here, what’s the occasion?” tanong ko dahil alam kong hindi para sa akin ang ipinunta nila at naalala ko ‘yong sinabi kanina ni Jerome, ‘for someone’. “Hindi pa tayo kumpleto,” sagot ni Melissa nang nakangiti at napansing naka-akbay siya kay William na sinasakal naman niya sa higpit dahil nakahugis bilog ang bibig ni William ngunit nagawa pang ngitian ako nang magtama ang aming mga mata. “Kitian and Richie are dating at the restaurant kaya sumakay ka na at guluhin natin sila,” wala sa mood na wika ni Justin dahilan upang manliit ang ngiting nakaguhit sa labi. So, tuloy pala? Akala ko hindi na natuloy dahil hindi na niya pinuntahan si Richie pero kapansin-pansin sa mukha niya ang lungkot at panghihinayang nang ihatid niya ako sa bahay nila Estella. Lumipat ang mata ko nang magsalita si Jerome sa tabi ko. “Nurse pala si Richie and she is the private nurse of Kitian.” Kaya pala palagi silang magkasama. Akala ko engineering ang kurso ni Richie no’n pero nurse pala ang kinukuha. Tumikhim na lamang ako saka pinalaki ang leeg dahil parang may nawawala rito. “Where’s Estella?” “Kasama niya si Van kanina pero nag-text siyang nandoon na siya sa restaurant kung nasaan sila, Kitian. She’s spying them secretly,” kaswal na sagot ni Melissa. Tiningnan agad si Justin ngunit abala siya sa hawak niyang cellphone at wala ni isang ekspresyon ang naipinta sa kaniyang kalmadong ekspresyon. “Hindi pa ba tayo aalis? Baka maunahan pa tayo ng susupresahin natin sa meeting place,” nababagot na sabat ni Claire dahilan nang pagguhit ng aking noo sa pagtataka. “Susupresahin? Anong meron?” Narinig ang pag-‘tch’ ni Yvonne na nasa front seat nang aking hanapin. “Tristan is going home, nasa Pilipinas na siya and he is on his way to the said place which we will celebrate the party!” umawang ang bibig ko sa excited na sabi ni Melissa. Nakataas pa ang dalawang kamay na may malawak na ngiti sa labi. Isa-isa silang tiningnan habang ako ay napaatras ng isang hakbang at napamulagat. “What?” wala sa wisyo kong untag kahit na’y napakalinaw ng aking narinig. Babalik na siya ngayon? Bakit ngayon? Bakit hindi bukas? “Aren’t you happy?” tanong ni Yvonne sa akin. Lumunok ako’t iniba ang ekspresyon, hindi ipinahalatang kinakabahan at ipinakitang masaya sa narinig sa pamamagitan ng aking pilit na pag-plaster ng ngiti. “Akala ko next week pa siya darating, bakit parang ang aga naman niya yata?” sa pagtatanong ko ay parang nabisto nilang hindi ako masaya. Kinagat na lamang ang labi sa maling nagawa. Baliw ka talaga, Racelle. “Napaaga ang pag-leave niya at maganda nga ‘yon nang may makausap naman akong matino. William is busy with their business at nakakainis pang kausap also he’s busy with Melissa,” ismid na sambit ni Justin nang ibaba niya ang kaniyang cellphone. “Walang namamagitan sa amin ni William!” agad na depensa ni Melissa. “Defensive, may sinabi ba ako? May narinig ka ba?” masungit na pambabara nito kay Melissa. “Mike is busy with his baby sadist and heartbreaker girlfriend.” sinundan ko ng tingin ang tingin niyang dumako kay Mike at Claire na nagngingitian sa isa’t isa. “Maghanap ka na kasi ng love life mo,” sabat ni Mike nang matapos si Justin sa sinasabi niya. “Huli na kayo sa balita, may nililigawan na rin ang weird king natin. Sexytary nga niya.” sabay tawa ni William at pumapalakpak pa habang nangiti naman ako para kay Justin. “Hindi ko siya nililigawan. Sasagap na nga kayo ng tsismis, mali pa.” “Ano mo siya?” kyuryosong tanong ni Jerome habang nakangisi. “Porket palagi lang kaming magkasama, nililigawan ko na? Walang namamagitan sa amin. Business lang talaga.” sabay halukipkip nito. Napapangiti naman ako sa sinasabi nila. I can’t hide the nervous I feel dahil makikita ko na siya pati si Kitian. Ano ‘to double kaba with sakit sa puso? Naman! Bakit walang pakisama sa akin ang mundo? Hindi ba puwedeng isa-isa muna? Pumikit ako sabay buntong hininga nang malalim. “Racelle, bakit parang natatae ka diyan?” pagpansin sa akin ni Claire. Ngumiti ako nang mapakla nang nasa akin na ang tingin nilang lahat. I am comfortable with them pero bigla akong nakaramdam ng pagkailang nang titigan nila ako at sila Mike at William ay nakakunot pa ang noo, nagtataka sa aking ikinikilos nitong nakaraan. “Puwede bang umuwi na lang ako? Parang masama kasi ang pakiramdam ko,” nakangiwi kong paalam sa kanila ngunit malungkot silang dismayado. “Parang may palagi ka na lang tinatakbuhan, Racelle. Ayaw mo ba kaming kasama?” untag ni Mike sa akin. Kinagat nang mariin ang ibabang labi sabay kamot sa aking buhok. Nagiging aligaga, walang maibigay ang aking isip na magandang ipapalusot nang makatakbo ako pauwi. Name-mental block ako lalo nang magsimangutan silang nakatingin sa akin kaya imbes na tumanggi pa ay iba ang isinatinig ng aking bibig… “Hindi sa gano’n… pero, oo na, sasama ako.” Bagsak ang balikat na tila pasan-pasan ang ilang sakong sumakay sa van, tabi ni Jerome. Pagkasara ng pinto ay pasimple akong bumuntong hininga saka pinadaan ang daliri sa buhok. Bakit ang unfair ng mundo sa akin? Richie and Kitian are dating and Tristan is coming back. Mas lalo yatang bibigat ang nararamdaman ko sa matinding konsensya at sakit. Kailan kaya magiging fair sa akin ang mundo?
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD