Racelle POV
Nakakapanibagong atmosphere ang sinubukan, ang sabing hindi susubukan at hinding-hindi ko gagawin sa buong buhay ko ay naging sabi lang dahil nandito ako’t pinasasaya ang sarili sa isang malasang tubig. Nakatukod ang siko sa bar counter habang nagpapalinga-linga sa paligid. Sinasanay ang sarili sa panibagong ambiance na aking mararanasan sa buhay. Mas maingay ito kaysa kanina at walang pakialaman, paiiklian at pase-seksihan ang mga suot but it’s interesting. Ipinatong ang baso sa counter upang humirit pa ng isang shot.
“Isa pa sa in-order ko kanina,” nakangiting sabi na tila wala lang ang ininom, nagmistulang tubig sa akin iyon ngunit napakapait ng aking lalamunan at kumulo ang aking tiyan. Tiningnan lang ako ng bartender, hindi niya siguro alam ang tinutukoy at mas lalong hindi ko naman alam ang tawag sa ininom ko kanina. Sinalinan nito ang baso ko sa tinutukoy kong order at batid niyang hindi ako sanay dahil panay ang paglabas ng aking dila sa pait. Mapait sa lalamunan ngunit nakaka-refresh. Inalala ang kaninang kulay ng aking ininom at tugma naman sa isinalin niya. A brownish color of liquor and if I am not mistaken it is a brandy.
Dalawang lunok ang ginawang pag-inom sa basong aking tagay. “Margarita,” kaswal na sabi ng babaeng naka-mini skirt at short sleeves. Imbes na nasa kaniya ang tingin upang pagmasdan ay inilipat ko sa bartender, pinanood ang bartender sa harap kong pinagsama-sama ang ice cubes, three tablespoons ng kulay puti na hindi alam ang tawag do’n at may dalawa pang kutsara siyang inilagay at dalawa muling kutsara. He shakes it well. I am not really familiar on this liquor life.
Tanging beer at gin lang ang alam dahil sa napapanood lamang ito sa mga patalastas sa telebisyon kaya bago lang sa tenga ang naririnig at nakikitang mga naka-display mga alak sa harapan at sa likod ng bartender.
Different sizes of bottles and glasses were displayed, my eyes are twinkling and I want to drink all kind of liquors. Kung may matamis nga ba lahat mapait. Tila nauhaw rin ako nang i-serve niya ito sa babaeng balingkinitan ang order nito.
Pinagmasdan ang babae sumimsim dito at napangiti sa akin bago umalis. Does it taste great? Hindi man lang nag-iba ang ekspresyon ng mukha niya. “Margarita,” I told him too. I want to try it kung anong lasa. He served me one shot of it.
I smell the orange flavored and I never doubt to sip it. Medyo matamis na maasim ang natikman ngunit hindi tulad kaninang ang pait sa lalamunan. This one is great and it looks like this kind of liquor are for girls only.
Tiningnan ang nakatungong bartender sa aking harapan. I stare at him with a cold expression on my eyes. Bahagyang napahawak sa puso nang mag-flash sa aking utak ang nangyari kanina.
I bit my lower lip and shook my head for me to don't remember it again. “Mister, may alak ka bang papawi sa sakit ng puso ko?” I asked beneath my laugh. Nagmistula akong baliw na natatawa sa sakit ng aking puso. Paano ba mamatay?
I feel the concerned gaze of the bartender and what he cares? “Meron po ma’am,” magalang niyang sagot.
“Isa ngang gano’n nang mawala ang sakit.” um-order ako nang sa gano'n ay mapawi ang sakit. Yumuko ako't pumikit, where is the delete button? Do I need to invent the delete button instead of designing clothes?
I just want to delete it all para naman sumaya-saya ako. Sadness and darkness embraced me.
“This is shot of good tequila.” nag-angat ng tingin at kinuha agad ito upang laklakin. It makes my heart wilder nang mabilis ko itong lagukin.
Hindi ko pa ubos nang maya't maya ay may narinig na lalaking nagsalita. “Whiskey,” he ordered kaya’t mulat pa ang mga matang napatingin sa lalaking may tattoo sa braso nito. Ngumisi ako sa kaniya nang ilapag sa counter ang aking baso at muling nagdemanda sa bartender na kanina ko pang kaharap.
“One whiskey too.” alanganin siyang tiningnan ako bago ilahad sa akin ang isang basong may lamang whiskey. Unang lunok ko’y napapikit nang mariin sa sobrang kapaitan at gumasgas sa aking lalamunan. Gusto kong maduwal subalit naubo ako sa tapang ng alak. Pakshet ang tapang. Bahagyang natawa sabay taas ng dalawang daliri upang mag-order pa ng dalawang whiskey.
I like the strong bitterness and even it shreds my throat I still want to drink it. The bitterness of the liquor is me.
Maginoo niyang inilahad ang aking dalawang order. Mabilis kong nilagok ang ikalawa at medyo nabagalan sa ikatlo dahil sa bumabara na ito at humahapdi na sa aking lalamunan diretso sa aking sikmura.
My stomach seems like in a boiling point. Lumingon sa nag-ibang tugtugin. I see the wild crowd dancing in the middle, mingling with strangers. Kagaya ko rin kaya sila or they just here to have fun? Nagdidikitan ang kanilang mga balat at napangisi na lamang nang makita ang kamay ng lalaking napupunta sa puwet ng babae.
I shrugged and my head swayed, enjoying the rythym of music that makes you dance in a wild way.
Hawak-hawak ang baso ay inalala ang narinig kanina sa isa pang lalaking lumapit upang mag-order ng maiinom. As being ignorant I want to give another try to drink that kind of whiskey. Nakangising iniangat ang hintuturo to gestured one another shot. Bakit nagiging dalawa na ang lalaking kaharap ko? Tatlo na sila, hindi, apat. Bakit parami na nang parami?
“Rye Whiskey,” nakangiti kong sambit.
Dumilat ako nang maigi, nakita ang nag-aalala niyang mukha sa akin. “Ma’am, lasing ka na po.”
Umiling ako upang kontrahin ang sinabi niya. “Sinong lasing ako?" sabay turo sa sarili. "Hindi, parang tubig nga lang na may ampalaya.”
Kahit dumadami na ang lalaking kaharap ko'y nakikita ko pa rin siya kaya hindi pa ako lasing. I still see people with my wide eyes open.
Wala pa rin ang alak na in-order ko kaya inis na napahampas sa counter. “Dalian mo, akin na! Nagbabayad naman ako!” singhal ko dahilan upang mataranta siyang bigyan ako ng aking in-order.
Inis kong hinablot ang baso sa kaniya't tinugga ito. Tumigil sa paglunok at mariin akong napapikit, it is spicy and stretches the top of my tongue. Damn, sobrang tapang mas matapang pa sa nainom ko kanina. Is this how everyone drink? Ang sakit sa lalamunan at kahit gusto ng tigilan ay parang uhaw na uhaw pa ako’t gusto pang humirit nang humirit.
Binalewala ang matinding anghang at sakit na bumara sa lalamunan. I gestured three more shots to drink.
Masunurin naman niyang binigyan pa ako ng alak ayon sa mga order ko. “Three double vodka.” I dizzily watched the bartender served it in three big shot glass. Gustong subukan din ‘yon. Pinaalis ko muna ang lalaking iyon saka muling humarap sa tila naaawang bartender sa akin.
Itinaas ang hintuturo upang paalalahanan siya. “Mister, huwag ka ng dumada, ibigay mo na lang ‘yong order ko para hindi kita masigawan, maliwanag?”
Nahihilong nakita ang bibig niyang umaambang aangal ulit. “Ma’am, mukhang hindi kayo sanay sa alak at unang beses niyo lamang ito at isa pa baka hindi na kayo makuwi dahil sa halo-halung alak ang nainom niyo. Nag-aalala lamang ako ma’am,” sabi niya na ikinatawa ko.
“Mabuti ka pa nag-aalala. Mga kaibigan ko, walang kuwenta!” asik kong naiinis habang nailing sa pagtawa. Kumuyom ang kamao, natauhan sa pagtawa. Bumalik ako sa kaseryosohan.
“Lalo na ‘yong lalaking ‘yon, pakshet!" gigil kong singhal. Humarap sa kaniya at sinenyasan siyang lumapit sa akin. "Matanong nga kita, pangit ba ako?” suminok kong tanong sa kaniya habang nakatungo.
Tumitig lang ako sa kaniya kahit na ang dami naman niya. Saan ba rito ang original? Tumawa na lamang sabay yuko sandali. “Hindi ka sumagot kasi oo, ang pangit ko ‘no? Kaya pala siya nagandahan sa kaibigan kong laking ibang bansa kaysa sa aking laking Pilipinas. Saka bakit pa kasi nauso-uso ang amnesia?” garalgal ang boses kong tanong.
“Ma’am everything happens for a reason.” nagpantig sa tenga ang sinabi nito. Tumatawa akong nag-angat ng ulo sa kaniya habang nanlalabo naman ang mga mata dahil sa namumuong luhang gustong rumagasa sa pisngi.
“Tang*nang ‘yan. Everything happens for a reason? Ang sabihin mo hindi ako kaapat-dapat mahalin," tuluyang tumulo ang luha. "Sino ba naman ako ‘di ba? Pariwara ang buhay, walang kuwentang babae, desperada, sobrang tanga. Lahat nasa akin na, ‘di ba?” diin ko sa sarili sabay mariin na itinuro ang sintido. Tumusok ang aking matulis na kuko at gusto sanang diinan pa nang sumirit na ang dugo subalit nanghina kong naibaba ito at naiyak muli.
“Hindi ka pa sumasagot diyan kaya isa ka ring walang kuwenta. Bigyan mo pa nga ako ng maiinom. Buwisit!” singhal kong demanda. Lalasingin na lamang ang sarili nang malimutan ang pangyayari.
Kahit hilong-hilo na ay agad na inagaw sa bartender ang hawak-hawak nitong baso. Mabilis itong nilagok at tumagay pa ng isa hanggang sa pilit na lamang idinidilat ang mga mata dahil pabagsak na ito. Sobrang bigat na rin ang ulo. Nahihilong kinuha ang cellphone sa bulsa, pinatayan ng tawag ang mga istorbong feeling concerned na mga kaibigan ko.
I switch off my phone instead. Ayokong makita pangalan nila sa screen, mas lalo ko lang naaalala ang nangyari kaninang mas masahol pa sa bangungot.
“Huwag mo akong tingnan, uuwi ako.” inis na tugon nang makita ang alalang-alalang mukha bartender. Bakit isang daan naman na siya? Hindi ba dapat isa lang dahil iisa lang naman siya?
Tumayo ako at sinubukang maglakad subalit isang hakbang ko pa lang ay matutumba na kaya napahawak na lamang sa kinauupuan. Natatawang bumalik sa aking puwesto habang naiyak na naman. Pasaway na luha, bakit ba unlimited ang supply? Bumuntong hininga ako sabay patong ng braso sa bar counter at isinubsob ang mukha do'n.
I silently cried habang masayang-masaya ang tugtog sa speaker. If they are happy, I am sad. Life is really unfair.
Tanga ako pero marunong din naman akong sumuko. I know the word give up.
Love is full of lies and it is always lead into hopeless romantic. There's no happy ending, always end at tragic.
Love is bullshit.
--
Nagising nang may tumapik sa aking braso. Agad na nag-angat ng tingin subalit nagsisisi sa ginawa dahil parang hinampas ang ulo sa sakit at tila naduduwal.
Mabilis na kumaripas ng takbo nang maramdamang bumabaliktad ang sikmura. Nagtataka kung bakit halos tubig ang isinuka sa gilid ng poste, walang hiya ano bang ginawa ko kagabi?
Nandidiring pinunasan ang gilid ng labi at napahawak sa ulo nang tila hinahampas ito. Tiningnan ang karatula ng pinasukan at pinagpalipasan ko ng gabi. "What the— naglasing ako?" hindi makapaniwalang tanong sa sarili.
Tinakpan ang bibig at nagpakawala ng hininga ro'n. Ngumiwi sa naamoy, lintek! Naiiling-iling akong naglakad palayo doon. 'Racelle, anong ginawa mo? Ang tanga mo talaga.'
Sandaling naupo sa nakitang waiting shed. Isinandal ang ulo sa suporta nitong dingding at ilang beses na nagpakawala ng buntong-hininga to relax myself sabay hilot sa sintidong tinutusok-tusok sa sakit maging ang tiyan na kumukulo na.
I didn't bother myself to remember everything what I did last night dahil baka mas lalong bumaliktad ang sikmura kapag aalalahanin ng husto sapagkat naalala kong sila na.
Akala ko magkaka-amnesia rin ako kapag uminom ako ng marami. Nakailang alak ba ako kagabi?
Umiling-iling at napagpasiyahang umalis na para mag-almusal at busugin ang sarili. Tiningnan ang cellphone na aking binuksan. Binalewala ang sunod-sunod na paglitaw ng mga text messages sa screen sapagkat ang oras lang ang sadya.
Masakit ang ulo't amoy na amoy ang alak sa aking binibitawang paghinga, mga mata'y hindi pa maidilat ng maayos sapagkat medyo inaantok pa.
Mas lalong nadadagdagan ang sakit ng ulo sa mainit na sinag ni haring araw. "Mr. Sun, puso ko ang pasuin mo hindi ang balat ko." sabay tawa ko nang mahina habang naglalakad at nakapuwesto ang kamay sa bandang noo para takpan ang nakakapasong sinag ng araw sa mukha.
Tumigil ako sa isang convenience store. Naghulog ng limang piso sa vending machine nang mahimasmasan ang sarili sa mainit na kape. Pagkatapos mainom ang kape ay bumili pa ng biscuit upang pagkasiyahin sa nagwawalang sikmura.
Lumabas sa convenience store na may bitbit na tsokolate para habang naglalakad papuntang mall ay may kinakagat na something sweet.
Imbes na dumiretso sa loob ng mall ay lumiko ako't nagtungo sa parking area upang mapag-isa. Balak sanang pumasok sa loob ng mall para lumanghap ng malamig na hangin na ibunubuga ng aircon subalit mas pipiliing mapag-isa sa mainit na parking area ng mall. Kotse lang ang karamay ko rito at magiging taga-bantay pa nila ako at kapag nasa loob ako ay may mga couple na magka-holding hands. Baka maisungalngal ko pa sa kanila ang hawak kong tsokolate.
Kaswal akong nagpunta sa parking area na hindi naman sinita ng nadaanang security guard. Gumuhit ng ngiti sa labing nakayuko habang pinagmamasdan ang paang humahakbang ng may saya. Napapasayaw na humahakbang dahil sa pagilid-gilid akong naglalakad, sinusundan ang puting linya.
Natigil lamang nang may mapansing nagbukas ng pinto. Pababa yata ang lulan nito kaya nakangiting nag-angat ng tingin upang sana ngitian sila ng kay sigla kahit na hindi pa rin ako maayos.
Kung hindi ako ngingiti baka maging matanda na ako kinabukasan. I should smile sometimes even just a minute to make my day happy in just a little amount of happiness.
Sumagi agad sa isip ko si Kitian nang may marinig na pagsarado ng pintuan ng kotse. Hinanap ang kotseng iyon. Kitian, bakit hindi ka ba mawala-wala sa isip ko? Aware naman akong may mahal kang iba pero bakit ayaw pa rin? Ayaw paawat ng puso't isipan ko. Bakit ikaw?
Kumagat ng tsokolate nang magsipasok sa isip ko ang pangalan at mukha niyang hindi matanggal-tanggal sa isip.
Umiling-iling ako't naghanap na lang ng maaaring mauupuan na espasyo at kung wala ay walang ibang pagpipilian kun'di ang pumasok sa mall.
Walang mahanap na bakante kaya humarap upang bumalik na lang sa entrada ng mall subalit tila napako ako sa aking kinakatayuan nang makita sila.
Maliit o malaki ba talaga ang mundo?
Hindi naiwasang mapatitig sa kanilang dalawa na magkalapit ang mukha sa isa't isa, nakaharap sila sa akin. Pilit na humakbang ng isa subalit tila ipinako akong parang estatwa sa aking kinakatayuan.
"Racelle, umalis ka na." mariin kong bulong sa sarili upang gisingin ako't umalis na ngunit anong mayroon sa akin na ayaw sumunod o kahit tumalikod man lang bago ko pa matitigan ng live ang susunod na mangyayari.
Titig na titig ang mga mata ayaw kumurap sa nasisilayan. Nagtutubig ang mga matang ayaw pa rin matigil sa pag-supply ng tubig kasabay ng pagkabitaw ko sa aking hawak na tsokolate nang sunod na masilayan ang nangyari habang dilat mabuti ang mga mata.
Wala na yatang mas sasakit pa sa aking puso. Mas masahol pa yata itong nasaksihan kaysa sa kagabi.
Oo, bumitaw na ako at ito na talaga ang sign na walang-wala na ako sa mundo niya o ni sa puso niya. Wala na ako, burado na ako. Kay bilis ko namang mabura, isa lang ba akong lapis na pansamantala lang sa buhay mo samantalang permanent marker siya?
Tinakpan ang bibig upang hindi makagawa ng ingay upang hindi maudlot ang halikan nila. Tama na, Racelle. Tama na.
Pumikit at doon na nga umalpas ang luhang ayaw paawat. 'Panaginip lang ba ito? Naduduling na naman ba ako? Lasing pa ba ako?'
Sunod-sunod na tanong sa sarili. Sinubukang dumilat nang marahan upang tingnan kung isa ba talaga itong panaginip na kailangan ko lang gumising sa nakakabangungot na eksenang nasilayan subalit...
Totoo talaga ang paghahalikan nila. The passionate and the tenderness of their kiss I see it clearly in my two eyes even it's a bit blurry from the tears falling.
They kissed and the fate let me see this super heart breaking part.
Unlimited pain is all I get every day. The plan to smile has already gone to my mind.
"Now, you know how it feels." rinig kong wika ng napakamilyar na boses.
Yeah, I know how it is like. Alam ko na kung anong pakiramdam mo no'ng nasa ganitong eksena ka rin.
Wide eyes opened you saw the live show of tearing part of your heart. The camera like of your eyes captured this unforgettable scene of heartbreak.
Eyes are the clear camera while heart is the unlimited storage of pain and mind is the no delete button gallery.