Racelle's POV
"Hindi ka ba aalis?" nagtataka niyang tanong sa akin. Natigil ako sa ginagawa kong pag-slice ng mansanas.
"Gusto mo na bang umalis ako?" tanong ko pabalik sa kaniya. Wala naman sigurong masama kung ipapakilala ko ang sarili ko as his friend, dahil iyon naman kami no'ng hindi pa naging complicated ang lahat.
Umiling siya sabay titig nito sa akin. "Hindi naman, kung puwede nga lang mag-stay ka na muna dito." hindi ko alam kung matutuwa ba ako sa sinabi niya, pero bakit gusto niyang mag-stay ako?
Napansin niya sigurong nagtataka ako kaya muli siyang nagsalita. "Sabi mo kasi kaibigan kita," tumango ako bilang pagsang-ayon. Kumagat ako sa mansanas na pinagpipiraso ko.
Pansin ko ang pagkunot ng kaniyang noo. "Wala naman akong maalala na magkaibigan pala tayo, pero gusto kong bumawi sa'yo. Tell me about our friendship." pakiusap niya sa akin.
Kung sinabi ko bang girlfriend niya ako, mag-iiba rin ang pakikitungo niya sa akin? Subukan ko kaya, minsan. Wala rin naman siyang maalala at paniguradong bukas, burado na naman ako sa isip niya.
"Talaga? Gusto mong malaman? What if I tell you that we're are not just friends?" sulyap kong tanong sa kaniya. Mas lalong kumunot ang noo niya sa sinabi ko.
"What?" naguguluhan niyang tanong. Ano kaya ang ire-react niya kapag sinabi kong ex-girlfriend niya ako na gusto niyang balikan.
"Wala naman sigurong masama kung sasabihin ko sa'yo 'to. Makakalimutan mo rin naman ako kinabukasan saka ipapaalala ko na naman." pabuntong hininga kong tugon sa kaniya. Umupo ako sa tapat niya at tinitigan siyang maigi.
"What do you mean?"
"You were my ex-boyfriend," diretsa kong sabi. Umawang ang bibig niya sa kaunting gulat sa narinig.
"Really? What happened?" curious subalit nagtataka niya pa ring tanong.
"Alam mo bang ang saya-saya natin no'ng naging tayo? High school days nang maging tayo, hindi pa matured pagdating sa relationship pero mahal na mahal natin ang isa't isa," kuwento ko habang may ngiti sa labi. Inaalala ang matatamis naming alaala.
"May mga korni ka pang banat sa akin habang ako naman ay kilig na kilig. Para kang ice cream, tama lang sa tamis ngunit ang lamig ng pakikitungo." pag-alaala ko. Ang sarap pa lang balikan kahit ang pait ng naging kahihinatnan. Matagal na pala ang lumipas, ilang taon na nga ba?
Masasabi kong, parehas ko silang mahal pero mas matimbang sa akin si Kitian. He's my first boyfriend at aaminin ko ring no'ng mag-isang taon kami ni Tristan si Kitian ang naalala ko sa kaniya.
January 16, nang sinagot ko si Kitian samantalang January 16 ko rin sinagot si Tristan. Same month, same date, but different year. Pitong buwan ang itinagal namin ni Kitian habang mahigit sa tatlong taon ang pagsasama namin ni Tristan.
"Paano tayo magsuyuan kapag may nagtatampo sa ating dalawa?" tanong niya.
Ngumiti ako nang maalala ko kung paano niya ako suyuin. "Kinakantahan mo ako gamit ang napakaganda mong boses sabay yakap mo sa akin nang napakahigpit." nakangiti kong wika.
"Why did we break up?" gaya ng tanong niya kahapon ay gano'n din ang naging sagot ko. "Nang dahil kay Yvonne at Lolo mo,"
Parang gano'n pa rin ang ekspresyon niya kahapon. Hindi makapaniwala. "Talaga? Sila ang dahilan? Istrikto si Lolo, kaya posibleng magawa niya nga 'yon. Si Yvonne... palaging nagpapansin sa akin. We are friends but we are not that close." sagot niya sa akin na ikinatango ko na lamang.
"Hindi ko matandaan na naging tayo, pero habang tinitingnan kitang nagkukuwento parang nagsasabi ka ng totoo." nginitian ko lang siya. Nagkatitigan kaming muli nang tumahimik ang aming paligid.
Hindi ko tinatanggal ang pagkakatitig ko sa kaniya. Bahala siya kung maiilang, gusto ko lang naman siyang titigan kahit wala akong nakikitang pagmamahal sa mga mata niya kundi blangko.
"So, you trust me?" marahan siyang tumango sabay ngiti nang malapad. Ganiyan siya ngumiti noon, pero ang ngiting 'yan ngayon ay wala ng kahulugan.
"Of course, I am. Hindi ka naman nagsisinungaling 'di ba?" bahagya akong natawa. Mukha ba akong nagsisinungaling? Sa bagay, matagal na kaming friendship over.
"But we are not in good terms no'ng naaksidente ka," tapat kong wika. "Then we must be in good terms." napangiti ako.
Sana hindi na matapos itong araw. Sana ganito na lang. Sana bumagal pa ang oras. Sana... paggising mo bukas, maalala mo pa rin itong usapan natin kahit hindi mo na maalalang may past tayo. Sana lang.
"Sana bukas, maalala mo pa rin 'to 'no?" pabulong kong sabi. Lumungkot ang mukha ko na hindi niya yata narinig masyado dahil iba ang sinabi niya.
"I love your smile." ngiti nito nang matamis. Sumundot ang mga paru-parong nanahimik sa tiyan ko.
"Kuwentuhan mo pa ako tungkol sa atin." pakiusap niya. Sa kagustuhan kong maalala niya ako ay ikinuwento ko pa ang lahat mula sa umpisa hanggang sa maghiwalay kami.
"Nitong nakaraang buwan, gusto mong magkabalikan tayo pero ayoko. Masyado kang mapilit na magkabalikan tayo kaya sa inis ko may nasabi akong hindi ko dapat masabi. Mahal kita at mahal ko rin siya, naguguluhan ako kaya nasabi ko ang mga bagay na 'yon. Hindi ko rin naman alam na magiging ganito ang mangyayari sa'yo." rumehistro ang pagkalungkot sa guwapo niyang mukha. Mas lalo pa siyang pumuputi dahil sa isang buwan niyang hindi lumalabas.
"So are you blaming yourself for what happened?" tanong niya. I didn't tell him about Tristan, I missed him too pero wala akong contact sa kaniya. Wala akong balita at gusto ko man lang siyang makamusta ang kalagayan niya after ng pagkakabaril sa kaniya.
"Oo, sino ba dapat ang sisihin? Ako naman ang may gawa kaya kayo nagkaganiyan pareho. Kung hindi niyo sana ako minahal, hindi mangyayari sa inyo 'yan." sagot ko. Inaako lahat ng mga aksidenteng nangyari. Sa akin nagmula ang lahat kaya dapat lang na ako ang masisi.
Umiling siya at ayan na naman ang nakakapang-akit niyang ngiti sa kabila ng suplado nitong mukha. "Stop blaming yourself. Just live in your present life and forget all your past, but remember that without your past, you won't be strong like the way you act right now." kumulubot ang noo ko nang marinig ko ang sinabi niya. Parang minsan na rin niyang nasabi ang mga salitang ito sa akin.
"I can't." bagsak balikat kong sambit. Ang hirap isipin na walang may kasalanan. "Palagi na lang sinasabi ng iba na aksidente lang ang nangyari pero paulit-ulit na itong nangyari nang dahil sa akin. Si Ate at si Papa, namatay dahil sa akin, si Tristan, nabaril nang dahil sa akin. Ikaw, na-amnesia nang dahil sa akin. Ang malas ko 'di ba?"
Suminghap siya sabay hagod sa palad kong nakapatong sa kama niya. "Walang taong malas, lahat may dahilan kung bakit nagkataon sa'yo nangyayari ang mga pangyayaring hindi mo kailanman inasahan. Hindi porket may namatay dahil ikaw ang nando'n, kasalanan mo na, malas ka na," hinawakan niya ang baba ko upang magkatinginan kami. "Ginusto mo ba ang nangyari? Sinadya mo ba ang nangyari?"
Umiling ako sabay sabing, "Hindi."
"Walang nakakaalam kung anong mangyayari sa atin. You have no right to blame yourself unless you are guilty." nababawasan ang poot na nararamdaman ko sa aking puso dahil sa mga salita niya ngayon.
"So forgive yourself. Move forward because in what happened to us is not your fault, it is a coincidence." sabay ngiti nito nang malapad at tapik sa balikat ko.
"Puwede ba kitang yakapin?" tumango siya at agad akong niyakap nang napakahigpit nang tumayo ako. Sinasamsam ko ang higpit ng kaniyang yakap sa akin. Na-miss ko ang bisig niya na siyang nagpapagaan ng loob ko sa tuwing ang bigat-bigat ng puso ko.
"I miss this," bulong ko. "I miss you." bulong din niya.
Pumikit ako at limang minuto kaming nanatili sa ganoong posisyon. Susulitin ko na habang may ganito pa kaming pag-uusap.
Kumawala ako sa yakap nang marinig kong bumukas ang pinto. Agad akong nag-iwas ng tingin nang matalim akong tiningnan ng Lolo niya. Lumayo ako ng bahagya kay Kitian nang makalapit ito sa amin.
"Anong ginagawa mo rito?" bungad niyang tanong sa akin, bakas sa kaniyang boses ang pagkamuhi sa aking presenya. Ramdam ko ang matalim niyang pagtitig sa akin. "Hindi ba sabi ko, huwag ka ng pumunta rito? Bakit nandito ka pa rin?"
Nanatili akong nakatayo habang nakayuko. Natatakot ako sa anumang salita ang lalabas sa kaniyang bibig. Matabil ang dila ng matandang ito. Baka mas lalong ilayo niya ako kay Kitian.
"Sa susunod na makita pa kitang nandi—"
"Lolo, huwag ka namang ganiyan sa kaibigan ko." suway nito sa Lolo niya dahilan upang bumuntong hininga ito nang malalim.
"Umalis ka na. Huwag ka ng babalik dito, nagpapagod ka lang. Hindi ka rin naman niya maalala!" bulyaw nito. Nagmamadali naman akong lumabas para hindi na ako makarinig ng anumang salita na baka mas lalong makapagpapataas ng kaniyang dugo.
Sa paglalakad ko ay may humarang sa dinaraanan ko. Naningkit ang mga mata kong nag-angat ng tingin Nakataas ang isa nitong kilay na nakatingin sa akin. "Napag-initan ka na naman ng ulo ng matandang 'yon?" nakangisi niyang tanong na halata naman kung ano ang ginawa sa akin ng Lolo ni Kitian.
"Hindi ka ba napapagod sa ginagawa mo? Araw-araw kang nandito pero hindi ka niya maalala," seryoso ko siyang tiningnan. "Gusto mo ba ng sagot ko?"
Ano na naman bang nangyari sa isang 'to at nagkaganito bigla ang bungad sa akin? Isang buwan na kaming good terms pero bakit bigla niya yatang binawi ang pagiging mabait sa akin?
Lumawak ang ngisi niya sa labi at mahinang tumawa. "Halata namang napapagod ka na, pero hindi ka pa rin sumusuko. Baka nagsisisi ka na niyang siya ang pinili mo kaysa kay Tristan."
"Bakit parang ang saya mo pang hindi ako maalala ni Kitian? Akala ko ba, okay na tayo?" inis kong tanong sa kaniya. Bumabalik na naman siya para asarin ako at maging kontrabida sa buhay ko. Natawa siya saka maarteng tinapik ang balikat ko.
"Nah! Sinabi ko bang okay na tayo? Ayan kasi umasa kang good terms na tayo, kahit hindi pa naman. Why would I let myself to be your friend?" taas kilay niyang tanong habang ni-head to foot niya ako. Halatado namang ayaw niya akong maging kaibigan niya dahil hanggang ngayon may inis pa rin siya sa akin despite of having an often conversation with her.
"Hanggang ngayon pa rin ba umaasa ka pa ring maging kayo ni, Kitian?" mapanuya kong tanong sa kaniya. Tuluyan siyang natawa sa tanong ko.
"Alam mo, hindi na. Kahit gustong-gusto kong maging akin ulit siya dahil tuluyan ka na nga niyang nakalimutan pero I realized that we are not meant to be. Sakaling ma-inlove na siya sa akin ngayon, hindi ako bibigay," kinunutan ko ito ng noo.
"Bakit naman? Gusto mo 'di ba? Ito na iyong pinakahihiling mong makalimutan niya ako tapos hindi mo igra-grab ang chance para maging kayo ulit?"
"Desperada akong maging akin siya, pero ayoko ng sumugal muli dahil darating din ang araw na babalik ang alaala niya. Ano naman ang mangyayari sa akin sa huli? Nganga na naman sa love life." tawa-tawa niyang saad. May punto naman siya at iyon din ang dahilan ko kung bakit hindi ako sumusuko sa pagpapaalala sa kaniya.
"Mabuti naman at naisip mo. Akala ko, aagawin mo na naman siya sa akin."
"Ano pa bang aagawin ko sa 'yo? Magiging kuntento na ako kung ano ang meron kami, atleast ngayon, pinapansin na niya ako, hindi gaya ng dati na kailangan ko pang gumawa ng masama para lang mapansin ako," sabay ngiti nito sa akin ng mapang-asar. "Wala ng kainggit-inggit at kaagaw-agaw sa 'yo pagdating kay Kitian, Racelle. May oras man siya sa 'yo, nagkakausap man kayo pero panandalian ka lang niyang naaalala." isang sampal sa akin ang sinabi ni Yvonne sa dulo. Ayaw ko na ngang isipin, pero heto, pinaalala niya sa akin ang mangyayari.
He temporarily remembered me, and I always end up for being unknown from him. Confusion in his eyes has always met my hopeless eyes. We talk for a moment and he will suddenly forget what happened. He makes me happy for a limited time.
Nagpakawala ako ng malalim na buntong hininga. "Tama ka at kasalanan ko kung bakit nangyari 'yon sa kaniya." malungkot kong tugon.
"Well, thank you for what you did. Nang dahil sa ginawa mo naka-move on na siya sa'yo, pero ikaw itong si tanga pinili pa 'yong taong halata namang hindi ka sigurado." hindi ko na lang pinansin si Yvonne bagkus nilagpasan ko na lang ito. 'Welcome, it hurts.' ang gusto kong isagot sa kaniya.
Tanga na kung tanga dahil aminado naman akong dakilang tanga.
Tahimik akong nakatitig sa labas habang pinagmamasdan ang magkasintahang naglalambingan. Kulang na lang ay maglaplapan sila sa harap ng maraming tao sa sobrang PDA nila.
Lumipat na lang ako ng puwesto, tumalikod ako sa kanila. Mas lalo akong nauumay sa kinakain kong cake. Paglingon ko sa gilid ko ay napangiwi ako sa dalawang magkasintahan na nagsusubuan. 'Parang mga bata.'
Umirap ako at inabala na lamang ang sarili sa pagfe-f*******: ng buksan ko ang account ko. Isang buwan at ilang araw ng tahimik ang account ko, gaya ko. Binasa ko ang messages ko na kay dami-dami pero mga group chat notifications lang pala na may mga nag-leave.
Scroll down and up ang ginagawa ko, namimili ng pupusuang litrarto o post kapag natipuhan sabay share kapag naka-relate. Napatigil ang daliri ko sa pag-scroll nang makita ko ang profile picture niya.
'Araw-araw kitang inaabangan dahil nag-aalala ako sa'yo.' Agad kong pinindot ang heart reaction saka ang message icon para i-message siya. Bumusangot ako nang hindi pa niya nase-seen mga messages ko. Kinakabahan akong nagtipa muli ng panibagong message dahil baka ma-reply-an niya ako habang online pa siya.
Tristan Padilla
Ako: Hello, kumusta ka na? Magaling ka na ba? Alam kong wala na akong mukhang maihaharap sa'yo nang dahil sa nangyari sa ating dalawa. Alam ko masama ako, pero nag-message ako para sabihing sorry sa lahat at kumustahin ang kalagayan mo. Inilipat ka na raw kasi ng hospital. Gusto kitang bisitahin, pero napapangunahan ako ng hiya at takot. Hope na maging masaya ka na at makahanap ka nang deserving na babae para sa pagmamahal mo. Miss lang naman kita as a friend, pero it's okay if I am no longer your friend. Sorry for flood messages, don't worry I will stop as long as you say that you are doing well. Thank you, take care.
Akala ko mago-offline na siya gaya ng madalas niyang ginagawa sa tuwing nagse-send ako ng message sa kaniya, subalit nakakatuwa dahil online pa siya. May pag-asa pang ma-reply-an niya ako. Napabalis ang pagkain ko sa cake habang hinihintay ang pag-seen niya at pag-reply.
'Sana mag-reply siya.'
Bahagya akong tumili nang i-seen niya ang message ko. Para akong ewan na nakaupo dito habang nakatakip ako sa aking bibig sa matinding kaba na nararamdaman ng puso ko.
Gumalaw-galaw ang tatlong maliit na tuldok na ang ibig sabihin ay nagtitipa siya. Kabadong-kabado ako sa maaaring maging reply niya.
Mukha yatang mahaba ang reply niya kaya naghintay ako ng ilang minuto. Lima, sampu, labin-limang minuto hanggang sa umabot ng kalahating oras ang paghihintay ko ay sa wakas naka-reply din. Akala ko, mahaba, akala ko madami na siyang sinabi subalit tila nagbago na siya.
Paulit-ulit na binasa ng mga mata ko ang salitang itinipa niya bilang reply. "Okay lang ako."
Ano pa nga pala ang aasahan ko? I am the one who break their heart. So I deserve to suffer.