CHAPTER 4: FAST HEART BEAT

2274 Words
SHY’S POV KINAUMAGAHAN ay maaga akong na gising. Mahimbing pang-natutulog ‘yong…dalawa. Hindi ako masyado nakatulog kagabi, dahil sa pinag-usapan namin ni Jazz. Pagkatapos naming mag-usap ay hindi agad ako nakatulog. Maraming tumatakbo sa isip ko. Unang una ang makatapos ako sa pag-aaral. Pangalawa ang makahanap nang magandang trabaho para maiahon ko si Nanay sa kahirapan. At ang pangatlo ay ang sarili ko. Hindi ko pa alam kung saan ako dadalhin ng kapalaran ko. Bahala na ang Panginoon sa ‘kin, dahil alam kong ‘di niya ako kayang pabayaan. Kami ni Nanay. Bumangon na ako at sinimulang gawin ang usual routin ko tuwing umaga. Naghilamos at nag-tooth brush muna ako, bago ko tinungo ang kusina para magluto. Naglabas ako ng itlog, bacon at ham sa ref. Nagtimpla muna ako ng gatas para mainitan ang tiyan ko. Hindi kasi ako mahilig sa kape. Hindi naman sa ayaw ko nang lasa. Sadyang ayaw ko lang uminom ng kape, dahil malakas makapagpapalpitet ito. Baka atakihin ako sa puso. Mamatay pa ako nang maaga. Mahirap na… Nang maihanda ko lahat ng lulutoin ko ay kinuha ko naman ang lagayan ng bigas para makapag-saing. Heavy meals kasi ang gusto ko tuwing umaga. At hindi ‘yong…kape at tinapay lang. ‘Di ako mabubusog no’n, parang ang tamlay ko kapag walang kanin ang tiyan ko sa umaga. Kaya lagi akong nagluluto, dahil lumalakas ang katawan ko kapag puno ng pagkain ang tiyan. Nang matapos ay sinimulan ko na rin ang magluto ng ulam. Kinuha ko ang kawali at nilagay sa kalan. Pinainit ko muna ito bago lagyan ng mantika. Una kong niluto ay itlog, sunod ang bacon at ham. Gusto ko sanang magluto ng tuyo, kaso wala na pala akong stock rito. Paminsan-minsan lang ako kumakain no’n kasi napakasarap at nakakaganang kumain. Lalo pa kung ang suka ay sobrang anghang. Pagkatapos kong magluto ay saka ko na inihain sa lamesa at saktong pumasok ang dalawa. “Good morning, kain na tayo,” aya ko sa kanilang dalawa. Kumuha ako ng tatlong plato para ibigay sa dalawa at ang isa naman ay sa ‘kin. “Good morning.” Bati ni Daphne. “Good morning!” Bati rin ni Jezrah. At nagsabay pa silang dalawa. Umopo na kami at nagsimula nang sumandok ng pagkain. Si Daphne ay pumunta sa counter top ng kitchen para magtimpla ng kape. Nang matapos ay agad na bumalik sa lamesa para magsimula na ring kumain. PAGKATAPOS naming kumain ay nag-volunteer si Daphne na siya ang maghugas ng pinagkainan namin. Ako naman ay kumuha ng tuwalya sa kwarto para maligo. Si Jezrah ay kausap ang mama niya sa cellphone. Narinig ko kasing nagpapaalam siya kay Tita na baka gabihin raw siya nang uwi mamaya. Ewan ko kung saan na naman siya pupunta. Bahala siya. Malaki na siya! Nang matapos akong maligo ay pina-sunod ko ang dalawa. Sabay na silang maligo, parang kami lang dati noon ni Jezrah. Sabay maligo tuwing umaga kung dito siya matutulog sa bahay. Okay lang naman ‘yon…parehu naman kaming mga babae rito. Wala namang problema kung magsabay sila o kami na maligo. Dahil wala namang may mawawala at mga opend minded naman kaming tatlo. Nakagayak na ako at simpleng damit lang ang sinuot ko. Saka na ako puporma ng maganda kong mayaman na ako. Char! Wala naman kasi akong lakad maliban sa eskwelahan na pupuntahan naming tatlo. Naka-mini skirt ako at white t-shirt na tinuck-in ko sa loob at pinarisan ng puting sapatos. Pagkatapos kong magbihis ay pinatuyo ko ang buhok gamit ang blower habang nagsusuklay. At pagkatapos kong magpatuyo ay naglagay ako ng cream sa mukha para kahit maarawan man ako ay mukhang fresh pa rin. Then after kong maglagay ay sinunod ko ang pulbo, kunting blush on at liptint. Saka na ako magpaganda ‘pag may trabaho na akong maganda. At pag-may boyprend na akong hot fafa… Natapos ko na lahat ang ginawa ko at gano’n din ang dalawa. Tulad ko simpling damit lang din ang suot nila. Naka-rubber shoes din si Daphne na naka-mini dress hanggang tuhod at pinatongan ng maong na jacket. Ang ganda niyang tignan kasi labas cleavege ang lola niyo. Bagay sa kaniya ang mag-dress dahil kita ang kurba ng kaniyang katawan. Na kahit sinong lalaki ay ‘di maiwasang ‘di hahanga sa kaniya. Si Jezrah naman ay naka pantalon. Tattered pants ang napili niyang suotin at pinarisan niya ng upper suit na nude tube. At pinatongan niya rin ng knitted cardigan na kakulay ng suot niyang tube. Nang makita kong tapos na rin sila sa pagpapaganda ay niyaya ko na silang umalis. May kalayoan kasi ang skwelahan namin mula dito, baka ma traffic kami sa daan kahit maaga pa. Minsan ‘di mo kasi maiwasan ang traffic lalo pa’t kung papunta ka sa patutunguhan mo o ‘di naman kaya ay pauwi ka sa bahay niyo. Nagbook ako ng grab at kasalukuyan kaming naghihitay rito sa kanto. Kung saan marami na ring tao kapag ganitong oras, dahil ang iba ay papasok sa trabaho at skwela. At ang iba naman ay namamasada para sa pangkabuhayan nila. Habang naghihintay ng sasakyan ay ‘di ko maiwasang mapatingin sa unahan nang may humitong motor sa aming harapan. Napatingin siya sa gawi namin at gano’n din kami sa kaniya. ‘Di ko maaninag ang mukha niya dahil nakahelmet pa. Hindi ko rin matukoy kung lalaki ba siya o babae. Pero base sa tindig niya at postura alam kong lalaki siya. Nang magtanggal ito ng helmet ay napasinghap kaming tatlo. Napaawang ang labi ko at ‘di ko mapigilan ang humanga. s**t! Ang gwapo niya…para siyang na sa novel series na binabasa ko. Binalingan niya kami, pagkatapos niyang tanggalin ang helmet. Napaayos ako ng tayo at napatingin sa dalawa, na tulad ko ay laglag panga rin sila. Siniko ko si Jezrah na nasa tabi ko. Napapalunok pa ito, kaya pinagmulatan ko siya ng mata. Pero ‘di man lang ako pinansin ng gaga. Gano’n din ang ginawa ko kay Daphne. Pero gaya ni Jezrah ay ‘di rin ako pinansin ng bruha. Mukhang tutulo pa mga laway nito, ah. Bumaba ang lalaki sa motor niya at pinatong ang helmet sa ibabaw ng upoan. Lumapit ito sa ‘min at ‘di ko maiwasang ‘di ito sundan ng tingin. Hindi ko inalis ang mata ko sa lalaki, at bawat galaw nito ay nakasunod ako. Inayos pa nito ang damit na mukhang ‘di naman na gusot. Naka-corporate attire ito at mukhang mamahalin ang suot. s**t! Dagdag pogi points. Nang makalapit na ito sa ‘min ay saka ko lang na pagtanto na sobrang gwapo pala talaga nito sa malapitan. At ang pabango ay nakakalat sa buong kapaligiran. Panis ang amoy ng emburnal sa pa bango ng lalaking ‘to. Ang malapad nitong dibdib at ang tangkad nito ay daig pa ang isang modelo sa hotmen magazine. Ang sarap niya sa mata pagmasdan, habang nakatayo siya sa aming harapan. Ewan ko ba…hindi siya nakakasawang tignan. Ang tangos ng kaniyang ilong, mapupulang labi at ang mata niya na parang kang hinihigop tignan. Napaka-intimidate ng aura nito na kung kalabanin mo ay talagang mapipisa ka sa tindig nito. Ngayon lang ako nakakita ng lalaki na ubod ng gwapo. Well, marami naman akong may nakita na gwapong lalaki. Pero iba ang lalaking kaharap ko, na kahit sinong babae ay mapapasunod rito. He’s kind of a man that every woman’s dream. “Hi! Good morning, ladies.” Bati sa ‘min no’ng hot na lalaki. Shit! Pati boses lalaking-lalaki. Nakakaakit. Hinagod ko siya mula ulo hanggang paa. Kahit ‘di ko pa naman nakita buong katawan niya. Alam kong napaka-hot niya. At mukhang matigas pa. Talaga lang huh…Shynee! Naisip mo pa talaga ang bagay na ‘yan! Aga-aga ang haroot… kastigo ko sa isipan. “Good morning. How may I help you?” Tanong naman no’ng dalawa. Wow, english…napangisi ako sa dalawa. “Are you done scanning me, my lady?” Hindi niya sinagot ang dalawa. Bagkos ay nakatingin siya sa ‘kin. At nagtama ang mga mata namin. Biglang uminit ang pisngi ko nang makita kong nakangisi siya sa ‘kin. Napakagat labi ako habang nakatingin sa lalaki. Hindi ko alam kung ilang segundo ko na siyang tinititigan. Basta ang alam ko, hindi siyang nakakasawang tignan. Siniko ako ng dalawa. Tumikhim ako at nagtanggal ng bara sa lalamunan. Umayos ako ng tayo, at hinarap ang gwapong nilalang sa aking harapan. “H-huh…ahhmmm. A-ano po ‘yon?” Nauutal kong sabi. Hindi ko alam kong ano ang sinabi niya. Wala naman kasi sa pinag-usapan nila ang atensyon ko, kundi nasa kaniya. Shit! ‘Di ko rin alam kong ba’t ako kinakabahan. Biglang naging abnormal ang t***k ng puso ko. Normal naman sa ‘kin ang makipag-usap sa ibang tao. Wala naman silang ginagawang masama. Maliban na lang kong iba ang pakay nila. Dahil ‘di ko sila uurungan. Kahit babae ako, marunong akong lumaban. Kahit sino pa ‘yan. Pero s**t…naman! Ngayon ko lang ‘to naranasan, kung saan nagtatanong lang naman siya, pero ako ‘tong kinakabahan. Hindi ko naman masabi na masamang tao siya. Dahil sa porma pa lamang niya ay kagalang-galang na. Seriously, Shy? Naisipan mo pa ang bagay na ‘yan? Pa ‘no kung masamang tao pala talaga siya? Tse! Tumahimik ka diyan! Kastigo ko sa ‘king isipan. Ang gwapo naman niya kung bad guy siya. Talaga lang huh…tulo laway ka na niyan. Kontra na naman ng kabilang bahagi ng isip ko. “Nothing. I just want to ask if there’s have a talyer here?” Tanong ulit ng lalaki. Habang taimtim na nakatingin sa ‘kin. “H-huh… ahh…o-oo, do’n sa banda-” “Opo, meron do’n sa unahan. Lakad ka lang ng kunti tapos may makita ka ng talyer do’n sa banda na ‘yon,” turo ni Jezrah sa unahan. ‘Di man lang ako pinatapos magsalita, pinutol agad niya. Kahit kailan agaw eksina talaga! Hindi niya pinansin ang sinabi ni Jezrah. Ni pagsulyap sa kaibigan ko ay ‘di niya ginawa. Nakapermi ang mata niya sa ‘kin. Kung kaya’t napakagat labi ako habang nakipagtitigan sa kaniya nang taimtim. Kumunot ang nuo ng lalaki. Napatingin siya sa labi ko. Nag-iba ang aura na parang may mali akong ginawa. ‘Di ko alam pero nagsalubong ang mga kilay niya at nag-iba ang timpla ng mukha. Sobrang dilim kung makatingin. Nakakatakot. Nakakapanindig balahibo. “Okay. Thanks.” Sagot no’ng lalaki kay Jezrah, ng ‘di man lang ginawang sulyapan. Sabay talikod sa ‘min. Pero bago ‘yon, pinasadahan pa niya ako ng tingin mula ulo hanggang paa. Nagtagal siya sa dibdib ko, pagkatapos tumingin ulit sa mga mata ko at ngumisi. Nag-init ang buong katawan ko sa uri ng mga tingin sa ‘kin no’ng lalaki. I felt butterflies in my belly, that I couldn’t stop but to give me shivers in my whole body. Nang makaalis na ang lalaki ay ‘di ko pa rin magawang kumilos sa kinakatayoan ko. Kung ‘di pa bumusina ang grab driver ay ‘di pa rin ako nahimasmasan. “Tulala ka girl? Shocks! Ang gwapo naman no’ng lalaki kasi,” kinikilig na sabi ni Jezrah nang makasakay na kami sa sasakyan ng grab. LULAN na kami ng taxing sinasakyan nang huminto ito sa gitna ng daan. Kung saan marami ring huminto na mga sasakyan, dahil sa stop light at traffic inforser. Wala sa daan ang isip ko, kundi do’n sa lalaking nagbigay kilabot sa buong pagkatao ko. Sa uri ng mga tingin niya sa ‘kin kanina ay pinanghinaan ako ng katawan. Naging abnormal ang t***k ng puso ko at sobra akong kinabahan. Ang ganda ng mga mata niya, na para kang hinihigop papalapit sa kaniya. Na pati kaluluwa ko ay kusang hahatakin ng lalaki kanina. Kakaiba siya sa mga lalaking nakita ko. Sa buong buhay ko, ngayon lang ako nagkakaganito. Hindi naman ako ganito kay Jazz, tuwing kasama ko. Kahit mga klasmate ko na mga lalaki na panay ang palipad hangin sa ‘kin ay ‘di naman ako namangha ng ganito ka sobra. Maliban do’n sa lalaking nakita namin kanina. Sa lalaki ko lang kanina naranasan ang sobrang kabahan. The foriegn feelings is unfamiliar to me. He gave me a fast heartbeat. That no other man is not capable of doing this to me. Bukod tangi ang lalaki lang ang nagbigay sa ‘kin ng kakaibang kakayahan na mabuhay ang paghanga ko sa isang tao. “Kaya nga. Tsaka…grabi ‘yong mga tingin nila kanina,” rinig kong saad rin ni Daphne. Naghagikhikan pa silang dalawa. Kung alam lang nila kong gaano ako kinabahan kanina. “True! Sayang, ‘di man lang natin na tanong, pangalan no’ng lalaki.” Nanghihinayang na sabi ni Jezrah. Pati ako nanghinayang ‘din. Kasing gwapo niya rin siguro pangalan niya. s**t! Kinilig kong sambit sa isipan. “Oh…ano nginingiti mo diyan? Siguro ini-imagine mo pa rin ‘yong, hot na lalaki kanina no?” Panunukso ni Jezrah sa ‘kin. Nag-init naman ang magkabila kong pisngi dahil sa sina niya. Halata ba ako masyado? Ay…hindi! Hindi lang halata. Halatang-halata, Shy! Napairap na lang ako sa hangin nang kumuntra na naman ang isang bahagi ng isipan ko. “Malamang. Ano pa nga ba? E, hindi nga ‘yan…kumukurap kanina do’n sa lalaki,” segunda namang panunukso ni Daphne sa ‘kin. “Bakit may pa irap-irap ka?” “Wala!” Sagot ko. They become an exaggerated. Narinig ko pa ang mahinang bulungan nila pero ‘di ko na lamang pinansin. Nahinto lang sila sa pag-uusap nang huminto ang grab car na sinasakyan namin sa tapat ng university.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD