CHAPTER 22

1623 Words

“KANINA ko lang nalaman kung ano talaga ang trabahong ginagawa mo sa nakaraang dalawang linggo. Pinakita sa akin nina Sonia ‘yung video,” pabulong na sabi ni Sylve. Malalim na ang gabi pero nasa hallway pa rin sila ni Keith. Nakaupo sila sa sahig pasandal sa tabi ng pinto ng apartment niya. Inaya niya pumasok sa loob ang lalaki pero tumanggi ito kasi ayaw raw nitong maistorbo ang tulog ni Yona. Nakasuot pa siya ng pantulog habang si Keith naman suot pa rin ang ayon dito damit nito mula nang sumakay ng eroplano sa L.A.                Ngayong gabi naintindihan na ni Sylve kung bakit gustong gusto ni Keith ang hallway nila. There is something intimate and cinematic about the dim lights and the silence. Nakakatuwang tingnan ang lugar na iyon sa perspective ng isang fiction writer.          

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD