CHAPTER 24

1137 Words

HINDI matingnan ni Keith si Sylve pagkatapos niya sabihin ang nangyari sa relasyon nila ni Emerald. Wala siyang sinabihan nang tungkol doon kahit na sino. Kumalas mula sa yakap niya si Sylve at humarap sa kaniya. “Masakit pa rin ba kapag naaalala mo ang nangyari? Nagagalit ka pa rin ba kapag naiisip mo si Emerald at ang parents niya?” malumanay na tanong nito. Tiningnan niya ang mukha nito. “Hindi na katulad ng dati pero meron pa rin. It was one of the hardest parts of my life. Kaya bihira ko hayaan ang sarili kong alalahanin. So whenever I do, I still feel hurt and a little angry.” Naging mataman na naman ang mga mata ni Sylve, na para bang binabasa ang kaloob-looban niya. “Hindi mo siguro sinasabi sa iba at kinikimkim mo lang sa sarili mo kaya matagal mawala ang sakit na nararamdaman

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD