CHAPTER 20

1175 Words

Kumirot ang puso ni Sylve kasi hindi na talaga niya kaya magkunwaring hindi niya alam kung anong nangyayari sa kanilang mag-ina. Naninibago silang wala si Keith. Mukhang na-attach talaga sila sa lalaki higit pa sa akala niya. Nakatingin pa rin siya kay Yona nang marinig niya ang pagtunog ng cellphone niya. Nagmamadaling pinatay niya ang kalan at hinanap ang gadget kasi baka kliyente niya ang tumatawag. Pero nang makita ni Sylve ang pangalan sa screen biglang tumalon ang puso niya. Manghang napatingin siya sa kanyang anak na parang may radar kasi tumakbo palapit sa kaniya. “Si tito Keith po ba ‘yan, mommy?” Tumango siya. Umaliwalas ang mukha ni Yona at matamis ang naging ngiti. “Sagutin mo na po, please!” Nginitian niya ito kahit ang totoo nanginginig ang mga kamay niya nang pindutin an

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD