CHAPTER 5

1246 Words
 “MA’AM. Malapit na po tayo.” Napadilat si Sylve at dumeretso ng upo. Disoriented na sumilip siya sa labas ng bintana ng uber car kung saan sila nakasakay na mag-ina. Malapit na nga sila sa kanto papunta sa apartment niya. Ni hindi niya namalayan na nakatulog pala siya. Bagay na hindi niya ginagawa kapag nasa biyahe lalo at delikado na ang panahon ngayon. Mabuti na lang mukhang mabait ang driver nang nasakyan niya ngayon. “Liliko ho sa kanto na ‘to ‘di ba?” “Opo manong. Salamat po na ginising niyo ‘ko.” Umayos ng upo si Sylve at hinaplos ang pisngi ni Yona na natutulog pahiga sa backseat. Nakaunan ito sa kandungan niya. Nakonsiyensiya siyang gisingin ang anak kasi kanina pa talaga dapat ang oras ng tulog nito. Nagpumilit lang talaga siya umuwi kahit alanganing oras na at katulad ng dati hindi nagreklamo ang bata. Alam niya nakakaramdam ito na may bumabagabag sa kaniya. Her daughter tends to be more obedient when Sylve doesn’t feel well. Kaya maingat niyang kinarga si Yona palabas ng sasakyan nang huminto ang uber sa tapat ng apartment building nila. Medyo napangiwi nga lang siya kasi matangkad at mabigat na ang bata, palibhasa ten years old na. Konting panahon na lang mapapantayan na nito ang height niya. Walang elevator doon kaya hingal kabayo na si Sylve at nananakit na ang likod pagdating sa second floor. Tahimik na sa hallway, malamang tulog na ang lahat ng residente roon. Kaya pagpihit niya paharap sa direksiyon kung nasaan ang apartment niya muntik na siya mapasigaw sa gulat. May tao kasing nakatayo pasandal sa pinto na mukhang napansin ang pagdating niya kasi biglang lumingon. Kumabog ang dibdib ni Sylve at humigpit ang pagkakakarga kay Yona. Kasi namukhaan agad niya ang matangkad at guwapong lalaki na naghihintay sa tapat ng apartment niya. Si Keith. Hindi niya masyadong makita ang facial expression nito kasi dim ang ilaw sa hallway kapag ganoong gabing gabi na. Pero napansin niyang suot pa rin nito ang mga damit na nakita niyang suot nito sa martial arts studio. Posible bang kanina pa naghihintay ang binata?  Napaatras siya nang magsimula ito humakbang palapit sa kanilang mag-ina. Sandaling naisip niyang tumalikod at tumakbo pababa sa hagdan o kaya sumigaw para magising ang mga kapitbahay pero likas talaga siyang hindi eskandalosa. Ang nangyari tuloy halos hindi na lang huminga si Sylve hanggang huminto na si Keith sa mismong harapan niya. Lakas loob niyang sinalubong ang tingin nito. “Kilala mo ako, hindi ba?” pabulong na basag ni Keith sa tensiyonadong katahimikan. Na para bang ayaw nitong maistorbo ang tulog ni Yona. “Kung pagbabasehan ko ang naging reaksiyon mo mula kanina sa martial arts studio at hanggang ngayon, sigurado akong alam mo kung sino ako.” Naramdaman ni Sylve na umungot si Yona bago pa siya makapagsalita. Akala niya nagising na ito pero sumiksik lang lalo sa leeg niya, bumuntong hininga at lumalim uli ang tulog. Nawala tuloy sa mukha niya ang tingin ni Keith, bumaba sa bata. Dim ang ilaw pero nakita pa rin niya ang pagdaan ng halo-halong emosyon sa mga mata nito bago humugot ng malalim na paghinga at humakbang paatras. “She looks heavy. Ipasok mo muna siya at hayaan makatulog ng maayos. Gusto kitang makausap.” Lumunok siya at matapang na itinaas ang noo. “B-bumalik ka na lang. Masyado nang malalim ang gabi.” “Para ano? Para bigyan ka ng pagkakataong takasan ako? No, thank you. Mag-uusap tayo ngayon,” seryosong sagot ng binata. Matapang at malakas ang loob ni Sylve pero sa mga sandaling iyon na-intimidate siya sa determinasyong nakikita sa mga mata ni Keith.  Emerald warned her not to let him into their lives. Naalala rin niya ang maraming beses na pagtawag sa kaniya ng matalik na kaibigan noong ilang buwan na itong buntis, nagsusumbong at naghihinga ng galit at sama ng loob nito sa lalaki. Nang mga panahong iyon, nakinita niya si Keith na sobrang sama at malupit dahil sa mga kuwento ng babae. But the man in front of her right now doesn’t look like a monster. Ang nakikita lang ni Sylve ngayon ay isang lalaking desperado at nangungulila para sa anak na sampung taong hindi nakita. Kung talagang masama itong tao, bakit magkakainteres si Keith na hanapin ang anak kung puwede naman ito magbuhay single at tuluyang talikuran ang responsibilidad? Katulad ng bestfriend ko na nangakong kakausapin ako at makikipagkita uli sa akin pero hindi na nagparamdam pa. “We can stay here the whole night if that’s what you want. I don’t care.” Napakurap siya at mabilis na nag-iwas ng tingin. Na-realize kasi niya na kanina pa siya nakatitig sa mukha ni Keith. Namamanhid na ang mga braso niyang may karga kay Yona at alam din niyang hindi maitataboy ang binata. Kaya pabuntong hiningang naglakad na lang si Sylve palapit sa kanyang apartment. Dahil sanay siyang umuwi na karga ang natutulog na anak, eksperto niyang nakuha sa bulsa ang susi at nabuksan ang pinto. Bago siya tuluyang pumasok nilingon niya si Keith na pinagmamasdan ang bawat kilos niya. “Hindi kita papapasukin sa bahay namin. Delikado na ang panahon ngayon. The fact that you know where we live is dangerous and creepy already. Hindi ko itataya ang safety namin. Maghintay ka diyan at lalabas ako para kausapin ka pagkatapos ko tawagan ang pamilya ko kung ano ang sitwasyon. Sorry pero wala akong tiwala sa ‘yo.”  Tumaas ang mga kilay ni Keith. Akala ni Slyve magagalit ito, magwawala o kaya magiging agresibo. Kaya na caught-off-guard siya nang bigla itong ngumisi. Napanganga siya. Shit. Confirmed na tatay talaga siya ni Yona. Pareho sila ng mga mata at parehong pareho rin pati ngiti. Napahakbang tuloy siya papasok sa loob na para bang sa ganoong paraan mapoprotektahan niya ang sarili sa binabato nitong charm. “Bakit ka nakangiti?” pabulong pero mataray na tanong ni Sylve. Umiling si Keith pero nakangiti pa rin. “I’m just relieved.” Tumaas ang isang kilay niya. Nagpaliwanag ito. “Mula nang malaman ko na iba ang nagpalaki sa kaniya, hindi ko naiwasan mag alala at matakot kung anong klase ng tao ang tumayong magulang niya sa nakaraang sampung taon.” Pinagtama ni Keith ang kanilang mga paningin at naging malambot ang ngiti. “Pero ngayon okay na. I don’t know you well but I’m glad she grew up with you.” Hindi nakapagsalita si Sylve kasi may bumikig sa lalamunan niya at humapdi ang kanyang mga mata. Hindi kasi niya inaasahan ang sincere compliment na iyon mula sa lalaki. Lumunok siya at nag-iwas ng tingin bago pa nito makita na na-touch siya. Tumikhim siya. “P-papasok na muna ako.” Pagkatapos maingat niya isinara ang pinto at dinala si Yona sa kanilang kuwarto. Maingat niya hiniga at kinumutan ang anak. Sandaling tinitigan ni Sylve ang mukha ng bata bago yumuko at masuyo itong hinalikan. Pagkatapos kinuha niya ang cellphone at nagpadala ng text message kay ate Abby. Alam niya hindi ito magrereply kasi malamang tulog na ito. Mayamaya tumayo siya at bumalik sa living room at sandaling nanatiling nakatayo paharap sa pinto. Nakikinita niya ang binata na nakatayo pa rin sa labas, nakaharap din sa pinto at hinihintay na lumabas siya. Anong iniisip nito? Anong plano nitong gawin ngayon? Natatakot siyang malaman pero alam ni Sylve na kailangan niya harapin si Keith Rivero.  
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD