┈┈┈┈◦•✩•◦┈┈┈┈ -Continuation... "Tang-na... nangawit ang binti ko sa pagpipilay-pilayan ko." Reklamo ni Mellard habang papasok na siya sa loob ng apartment, hawak pa ang hita niya na parang legit na napilayan. Halos isandal pa niya ang sarili sa dingding ng apartment habang naglalakad na akala mo ba ay totoong pilay... kunot-noo at tila ba inis na inis sa sarili. "Ano ba kasi ang ginagawa ng mga 'yon sa labas ng bahay? Buti na lang dumating si Aling Tess. Hindi ko na alam kung tama pa ba 'yung acting ko... para akong na-e-exorcist kanina, tang-na." Inis na inis na sabi niya saka pagbagsak na naupo sa sofa, hinihimas pa rin ang binti na nangalay kaya tawa ng tawa si Carter. "Ako nga kanina, akala ko mabubuking na ako. Yukong-yuko na ako, halos hindi ko na nakikita pa ang dinadaanan ko d

