❀⊱Melanie's POV⊰❀
Patungo ako ngayon sa office ko, tahimik lang kami ni Christalyn sa loob ng sasakyan habang nagmamaneho ako. Ang isip ko ay abala sa mga dapat kong gawin ngayong araw... mga meeting na dadaluhan ko, mga paperworks na dapat kong asikasuhin, at kung anu-ano pang responsibilidad na kailangang tapusin. Pero sa hindi inaasahang pagkakataon ay napalingon ako sa gilid ng kotse ko nang may biglang lumitaw na isang big bike. Naka-full gear ang rider, may helmet na itim at nakatutok lang sa daan ang paningin niya, pero kahit pa hindi ko nakikita ang mukha niya, alam ko na kung sino siya. Of course si Eoghan. May iba pa ba na mangungulit sa akin ng ganito? Too bad, wala akong pakialam sa kanya. Bahala siya sa buhay niya, ang laki kaya ng kasalanan niya sa akin.
Napangisi ako nang bahagya pero hindi dahil sa natuwa ako. Kung akala niya ay mapapa-amo niya ako sa ganitong paraan, nagkakamali siya. Kung inaakala niyang makikipagbalikan ako sa kanya pagkatapos ng lahat ng ginawa niya, nagkakamali siya. Four months? That doesn’t even make sense. He’s been talking to his ex for the entire four months without even bothering to tell me. All this time, he kept it a secret, like I wouldn’t eventually find out. Akala niya siguro ay hindi ko malalaman... na hindi aabot sa akin ang balita. Pero sa mundo na puno ng tsismosa, walang lihim na hindi nabubunyag lalo pa na ang babaeng 'yon mismo ang naghatid sa akin ng balitang 'yon.
Pagkatapos ngayon ay lagi niya akong kukulitin na kesyo wala siyang ginagawang masama? Huh! Talaga ba? Ano 'yong ginawa niya na pakikipag-usap sa babaeng 'yon? Akala yata ng lalaking 'yon ay mauuto niya ako. Hindi niya ako maiisahan, at hindi ko siya babalikan. Hindi ko alam kung ano ang nasa isip niya ngayon, pero kung iniisip niyang may mapapala siya sa pagsunod sa akin eh, wala siyang ibang makukuha kung hindi ang malamig kong pagtrato sa kanya.
"Melanie, dahan-dahan lang at baka lumagpas ako sa hotel ni Eoghan." Biglang sabi ng pinsan ko kaya bigla akong mapalingon sa kanya.
"Sorry, hindi ko napansin na napapabilis na pala ang takbo ng sasakyan ko. May impakto kasi sa gilid ko na ayaw akong tigilan." Inis kong sabi kaya nilingon niya ang big bike na sinasabayan lang ako sa pagmamaneho.
Napailing na lang ako ng ulo at napabuntong hininga bago nagdahan-dahan sa pagmamaneho. Ayokong bigyan ng kahit anong reaksyon si Eoghan. Hindi ko siya tinitignan, hindi ko siya pinapansin, at kahit pa ramdam kong sinasabayan lang niya ako sa pagmamaneho ko upang makuha ko ang atensyon niya ay hindi ko talaga siya binibigyan ng pansin. Kunwari ay hindi ko siya nakikita. Bahala siya sa buhay niya. Kung gusto niyang sumabay, wala akong pakialam. Ang alam ko lang, hindi pa ako handang makinig sa paliwanag niya, at hindi rin ako sigurado kung may gusto pa akong marinig mula sa kanya. Ang alam ko lang ngayon ay galit ako... at hindi ganuon kadali mawawala ang galit na ‘yon.
Pagkarating ko sa harapan ng hotel ni Eoghan, agad akong nilingon ng pinsan ko at isang matamis na ngiti agad ang gumuhit sa labi niya. Mukhang excited siyang bumaba ng sasakyan para pumasok sa trabaho. Pero bago pa man siya makabukas ng pinto, mabilis kong hinawakan ang braso niya at pinigilan ko agad siya sa paglabas ng sasakyan ko.
"Oh, bakit?" Tanong niya, may pagtataka sa kanyang mga mata.
"Mag-resign ka na lang sa impaktong 'yon. Pwede ka namang magtrabaho sa kumpanya ko. Bakit mo pa papahirapan ang sarili mo diyan? Sa akin ka na lang magtrabaho para malapit ka lang sa akin." Sabi ko, nakangiti pa ako at namumungay ang mga mata ko para mapapayag siya.
Bahagya siyang natawa, halatang hindi siya nagulat sa sinabi ko, siguro dahil ilang beses ko na rin naman siyang kinulit na magtrabaho sa akin. Hindi naman kasi ito ang unang beses na sinubukan kong kumbinsihin siyang umalis sa hotel ni Eoghan. Mula kasi ng malaman ko ang kalokohan ni Eoghan ay kinukulit ko na si Christalyn na umalis na sa hotel na 'to.
Ngumiti siya sa akin. 'Yung ngiti na parang sinasabi na okay lang siya. Pagkatapos ay hinawakan niya ako sa braso ko at saka nauwi sa tawa ang kanyang ngiti. Ngumuso naman agad ako sa kanya, kasi alam ko na tatanggi nga siya. Lagi naman!
"Okay na ako dito, ano ka ba?" Sagot niya, muli siyang ngumiti sa akin at kinuha niya ang kamay ko at pinisil niya. Napangiti naman ako, napakabait niya talaga. Hindi lang mabait, sobrang ganda niya. Syempre, lahi yata namin!
"Okay lang ako dito, kasi kasama ko ang best friend namin ni Lysette na si Desiree. Huwag kang mag-alala, okay na okay ako dito. Tsaka, sobrang bait sa akin ng ex mo. Kasi nga, pinsan mo ako, kaya may special treatment ako! Ayaw mo ba 'yon, nababantayan ko din ang kilos niya kapag pumupunta siya dito?" Sagot niya sabay hagikgik pa, na parang isang batang binigyan ng kendi. Napailing na lang ako at napatawa.
"Okay, fine, kung iyan ang gusto mo, okay lang sa akin at naiintindihan ko." Sagot ko, bumuntong-hininga pa ako at tinitigan siya.
"Pero kapag nagbago ang isip mo, magsabi ka lang sa akin. Pwede ko naman kayong tanggapin ng kaibigan mo sa opisina ko. Tignan mo si Lynette, sa kumpanya ko na nagtatrabaho. Mas magiging maayos pa trabaho mo kaysa diyan." Natawa siya at tumango, pero sa tingin ko ay desidido na siyang manatili sa hotel ni Eoghan bilang receptionist. Wala na akong magagawa kung hindi hayaan siya, kahit hindi ako sang-ayon sa desisyon niya.
Pagkalabas niya ng sasakyan ay inihanda ko na ang sarili ko upang umalis na. Pero nagulat ako ng biglang bumukas ang passenger door at walang pasabing pumasok si Eoghan. Napatingin ako sa kanya, nagulat pero agad ring napalitan ng inis ang nararamdaman ko. Bwisit talaga ang lalaking ito at hinintay lang niya talaga na makalabas ng sasakyan ko ang pinsan ko.
Inis ko siyang tinitigan ng masama, pero parang wala lang sa kanya. Ni hindi man lang siya natakot o nagdalawang-isip. Sa halip, kinandado pa niya ang pinto, dahilan para mas lalong kumulo ang dugo ko. Talagang ginagalit ako ng lalaking ito.
"Eoghan, ano ba..." Hindi ko na natapos ang sasabihin ko dahil bigla niyang kinuha ang kamay ko at mahigpit na hinawakan na para bang nakikiusap sa akin.
"Babe..." Paunang sabi niya, ang boses niya ay puno ng pakiusap na binabalewala ko naman. Akala yata niya ay mauuto niya ako. Nope, hinding-hindi!
"Nababaliw na ako kakaisip sa'yo. Umuwi ka na sa mansyon natin. Magpakasal na tayo, at pangako, ipapaliwanag ko sa'yo ang lahat... lahat ng dahilan kung bakit hindi ko sinabi sa'yo ang tungkol sa pag-uusap namin ni Jacky." Humigpit ang hawak niya sa akin, pero mas lalo lang akong nainis.
"Please, baby, makinig ka sa akin. Mahal na mahal kita, at hindi kita niloko." Muli pa niyang sabi.
Huminga ako nang malalim, hindi ko alam kung matatawa ako sa lalaking ito o mas maiinis pa. Akala yata ng lalaking ito, ganoon lang kadali ang lahat? Na may sasabihin lang siyang matatamis na salita at babalik na ako sa kanya?
Huh! Akala yata niya mauuto niya ako.
Mabilis kong inalis ang kamay niya na nakahawak sa akin, ramdam ko ang lamig sa pagitan naming dalawa. Wala na akong balak makinig sa kanya. Wala na akong balak pang patagalin ang usapang ito. Pagod na pagod na ako sa drama ni Eoghantot. Ang aga-aga, tapos eto na naman siya.
"Lumabas ka na ng sasakyan ko, Eoghantot. May trabaho pa akong kailangan asikasuhin, ang daming naghihintay na trabaho sa akin at naaabala mo na ako." Sabi ko sa kanya, pero mukhang wala siyang planong sundin ako. Nakatitig lang siya sa akin, parang may iniisip na kung anong paraan para mapaamo niya ako, pero neknek niya! Ang laki kaya ng kasalanan niya sa akin.
Napailing na lang ako. Kung ayaw niyang lumabas ng sasakyan ko, pwes ako na lang ang aalis. Kinuha ko ang bag ko at bumaba ako ng sasakyan at saka ako pumara ng taxi. I don’t have time for this nonsense. Pero bago pa ako makapasok sa loob ng taxi ay biglang sumara ang pinto nito kaya ang sama ng tingin ko kay Eoghan.
"Ano na naman, Eoghantot? Kailangan ko ng magtrabaho at inaabala mo na ako." Inis kong sabi.
Humugot siya ng malalim na paghinga habang ang isang kamay niya ay nakalapat sa pintuan ng taxi habang nakatingin sa akin. Nakataas lang ang kilay ko sa kanya at alam niya na hindi ako madaling suyuin lalo pa kung malaki talaga ang kasalanan niya sa akin. Four months 'yon. maiintindihan ko pa sana kung isang linggo lang or two, pero four months? Huh!
"Fine. Hindi na kita kukulitin." Sabi niya, halata naman kasing wala na siyang choice.
"Sige na, babe. Pupuntahan na lang kita sa office mo mamaya para sabay tayong mag-lunch." Muli pa niyang sabi. Natatawa tuloy ako sa kanya. Tumaas agad ang kilay ko. Seriously? Lunch? With him? No way!
"Hindi na, Eoghantot. Bahala ka sa buhay mo. Basta ayokong makasabay ka sa pagkain kaya huwag kang pupunta." Sagot ko, diretso at walang paligoy-ligoy para alam niya na seryoso ako.
Magsasalita pa sana siya, pero para matapos na ang dramang ito ay mabilis akong bumalik sa loob ng kotse ko, kinandado ang pinto at binuhay ang makina. Hindi ko na hinintay ang sagot niya. If he really cared about explaining himself, ginawa na niya ‘yon noon pa. Wala akong oras para sa last-minute excuses niya.
I stepped on the gas, speeding away from him. Pero syempre, hindi na ako nagulat nang makita ko sa side mirror ko ang bigla niyang pagsampa sa big bike niya. And of course, he followed me again. Just like he always does. Kunwari seryoso, kunwari may paninindigan. As if maniniwala pa ako sa kanya after everything.
Nasasaktan ako. Iyong malaman na may anak sila ng Jacky na 'yon ay medyo naunawaan ko pa... kasi nga ako ang dahilan kung bakit hindi natuloy ang kasal nila nuon. So, pwede nga na nagkaroon sila ng anak ni Jacky na hindi niya alam, pero 'yung nag-usap sila ng four months behind my back... that was something I just couldn’t wrap my head around. Why did he have to keep that a secret from me? Napakahirap ba magsabi ng totoo na nag-uusap sila at may pinapaako na bata sa kanya? It hurt and honestly, it still does. I felt betrayed, and no matter how I try to reason with myself, the pain just won’t go away kaya kung iniisip niya na madali lang para sa akin na unawain ang lahat... then, nagkakamali siya dahil hindi niya alam kung gaano kasakit sa akin na sa mismong bibig pa ng babaeng 'yon lumabas ang katotohanan. Mukha akong tanga sa harapan ng babaeng 'yon habang sinasabi niya sa akin ang lahat tungkol sa anak nila at sa pag-uusap nila ni Eoghan sa loob ng apat na buwan. Kahit na sino pa ang lumagay sa lugar ko, masasaktan ng ganito. Pasalamat nga siya nakakalapit pa siya sa akin. Kung ako talaga ang masusunod, ayoko na siyang makita pa. Kaso si lolo at si Kuya Marcus, gusto nilang unawain ko ang Eoghantot na 'yon. Hindi ko gagawin, kasi wala na akong pakialam pa sa kanya.
Pumunta siya sa munisipyo at duon siya magpaliwanag sa pulis, baka magkaroon pa sila ng interes na makinig. Bwisit talaga siya!