NAKATAYO ako sa labas ng Lanai habang nakatingin sa speedboat na kadadaong lamang sa dalampasigan. May ngiti pa sa mga labi ko habang pinagmamasdan ang lalaking ngayon ay pababa na sa sasakyan. Bago ako lumabas ng bahay kanina, tinanong ko si Jule kung ano’ng oras na. Ang sabi niya alas otso na raw ng umaga. May halos sampong minuto rin akong nakatayo sa labas habang hinihintay ang pagdating ni Hideo. And there he is. He’s now walking towards me. Holy Lord! Bakit ba kasi sobrang guwapo ng lalaking ito? Kahit pagmasdan ko lang siya mula sa malayo, I can immediately feel the butterflies in my stomach. I can’t help myself but to smile at him nang tanggalin niya ang suot niyang ray-ban. “Hi!” bati ko sa kaniya at mabilis na inipit sa likod ng tainga ko ang hibla ng buhok ko na nililipad ng h

