“HAVE a sit, Ysolde!” Napatingin ako sa kaniya nang marinig ko ang sinabi niya. I was standing on the side of the sliding door of the Lanai, while he was sitting on the sofa. Siguro naramdaman niya ang presensya ko nang lumapit ako roon kaya inalok niya akong umupo. Kinakabahan pa rin ako sa kaniya, pero pinilit ko ang sarili ko na maging normal ang kilos ko ngayon. Well, mabait naman na siya sa ’kin ngayon e! I think so. Bahagya muna akong nagpakawala nang banayad na paghinga ’tsaka humakbang na palabas ng pintuan at umupo sa dulo ng sofa. Nasa dulo rin naman siya. Our situation is awkward now. No one was talking and we were both just silently staring at the beach. Pinapakiramdam ko rin siya. Minsan nga tinitingnan ko siya sa gilid ng mata ko. Seryoso pa rin naman siyang nakatingin

