“TRACE her Guilherme.” Mariing utos ni Hideo sa binata habang nasa sasakyan na sila pabalik ng Maynila. Muling nagtagis ang kaniyang panga habang nakatuon sa unahan ng sasakyan ang kaniyang paningin at atensyon. “I’m trying. Pero hindi ko mahanap ang location niya.” Sagot naman ni Cloud. “Damn it!” ang tanging nausal niya at napahigpit na ang pagkakakuyom ng kaniyang mga kamao. Paano ba nalaman ni Zakh ang location nila? E, pribado naman ang lugar na iyon. Matagal na niyang ginagawang rest house ang bahay na iyon sa bukid, pero walang may nakakatunton doon sa kaniya na mga kaaway niya. God! If something bad happen to his wife this time... hindi niya mapapatawad ang kaniyang sarili. Nailigtas na niya ito mula sa kapahamakan, tapos ngayon naulit uli. “I can’t find her. Hindi ko ma-tr

