Julio's POV
Tahimik lang ako habang nakaupo sa may likod ng classroom. Corner seat. Dito ako palaging umuupo. Hindi dahil gusto kong iwasan ang klase, pero dahil dito ko nasusulyapan ang lahat. Dito ko sila nakikita. Lalo na siya.
Si Megan.
Megan Ellah Marrie. That girl who walks like she owns the entire hallway pero kapag ngumiti, parang baby lang na nadapa sa bubble wrap. There's something weird about liking someone na parang hindi ka niya kilala. But I do. Matagal na.
Pero syempre, tahimik lang ako. Palaging tahimik.
"Julio, ikaw na." Tinapik ako ni Andrew na naupo sa harap ko.
Recitation time pala. Napailing ako at tumayo.
"Sorry sir. Pwede pong pakibalik yung tanong?" Tumingin si sir Gomez sa akin saka ngumiti.
"At least honest. Class, ulitin natin. What's the main theme of the short story?" Tanong ni sir Gomez.
Saglit akong huminga, nag-isip, at nagsalita.
"The theme is about unspoken feelings. How silence can be louder than words."
Tahimik ang klase. Tumingin sa akin si Megan. Briefly lang. Then bumalik siya sa pagsusulat.
Lunchtime Observations.
Sa canteen. Naka-table kami nina Mark JR, Alexander, Andrew, at Victor. Lahat sila abala sa kwentuhan basketball, crushes, bagong trend sa t****k. Ako? I just observed.
"Nakikita mo ba iyon?" Sabay turo ni Andrew kay Carla. "Grabe yung energy ni Carla parang walking fireworks!"
"Oo nga, bro." Sabay tawa ni Victor. "Kahit si, Nicole, hindi nagpapahuli. Maldita sa t****k pero ang bait sa personal."
Mark laughed. "Pero si Megan yung tipo na silent killer. She posts poetry on her private IG, bro. Ganda ng mga words."
Napalingon ako. He knew about that account? Hindi ko inaasahan.
"Oh, eh, paano mo naman nalaman iyon?" Tanong ni Alexander.
Mark just grinned. "May kakilala akong pinakita sa akin. Crush ko dati si, Megan, kaya na-curious ako."
Pakiramdam ko may tinik sa lalamunan ko. Crush niya si Megan? Pinilit kong ngumiti.
"Chill, Julio." Sabi ni Andrew. "Bakit ka mukhang lutang?"
"Wala. Gutom lang." Sagot ko sabay lagay ng earphones ko.
My Notebook, My Refuge.
Pagkatapos ng klase dumiretso ako sa favorite spot ko sa library. Third floor, dulo ng row ng mga history books. Doon ko binubuksan yung black notebook ko. No labels, walang pangalan, pero puno ng mga salita.
Mga tula. Mga kwento. Mga lihim.
> "She walks like a wind I can never hold. But every time she passes, I'm whole."
One of my poems for Megan. Hindi niya alam. Never niya malalaman.
O baka, balang araw?
Unexpected Frame.
While walking sa hallway papunta sa Art Room, bigla kong narinig ang tawa ni Megan. That soft, natural laugh na parang musika. Tumigil ako. Napatingin siya sa direksyon ko. I froze.
She raised her phone. "Julio, smile!"
Before I could even react, click!
"Nice one!" Sabay talikod niya. "I need random shots for our visual diary project. That was perfect!"
Naglakad siya palayo habang ako nakatayo pa rin. Parang kahoy.
Did she just take a candid picture of me?
Home Reflections.
Pag-uwi ko, binuksan ko ka agad ang laptop ko. Tiningnan ang group chat sa class. Nandoon ang upload ni Megan.
> "Visual Diary Snippet. Faces of Unbothered Geniuses."
At nandoon ang picture ko.
Napangiti ako. Kahit caption lang iyon, kahit joke lang siguro sa iba, it meant something to me. Kasi sa dami ng mukha, ako yung pinili niyang kunan.
Groupings.
The next day. May announcement si Ma'am Celeste.
"Group project for the next Lit activity. By pair. I already grouped you para hindi magkasama ang magkakaibigan. Randomized ito."
My heart stopped when I heard.
"Megan and Julio."
WHAT!
Si Megan lumingon sa akin ka agad sabay thumbs up. "We got this, partner!"
Parang biglang uminit ang buong classroom. Parang nakalimutan ko kung paano huminga. Parang sinabihan ako ng universe: This is your chance, Julio.
First Real Talk.
Kinagabihan, nagmeet kami sa cafe sa tapat ng university para magplano ng report.
"Anong gusto mong i-focus sa theme?" Tanong ni Megan habang nilalagyan ng creamer ang kape niya.
"Emotions na hindi nasasabi. Like silent affection. Or hidden admiration " Sagot ko.
Tumingin siya sa akin. Matagal.
"Wow. That's deep. Do you write?" Tanong niya.
Napatingin ako sa labas. Kunwari kalmado. "A little."
"Well, I'd love to read one someday."
Tumango lang ako. Pero sa loob-loob ko. Sigaw nang puso ko: Gusto ko nga, Megan. Gusto kong mabasa mo lahat ng isinulat ko para sa'yo.
Closing Thought.
That night, before sleeping, I wrote a new poem:
> "She smiled, and suddenly, the world wasn't so heavy. She looked at me, and silence became sacred. I used to be invisible until she captured me. Not with words, but a picture.