Mark's POV Sabi nila, bawat tropa raw ay may isang tahimik. Yung tipong hindi mo alam kung galit, naiinis, o talagang chill lang. Sa section namin, walang duda, si Claire JoyLee Kim iyon. Tahimik. Matapang ang aura. Parang laging may sariling mundo. At ako? Ako yung kabaligtaran niya. Lahat nalang ginagawang punchline. Lahat nalang kinukulit. Lahat nalang sinasakyan. Pero sa totoo lang? Kay Claire lang ako natutong manahimik. Una ko siyang napansin dahil tahimik siya. Habang lahat busy sa orientation nung unang araw ng klase. Nakaupo lang siya sa pinakadulo. Hawak ang isang black pen at nagdo-doodle sa planner niya na hindi ko mabasa. Walang pake. Walang effort. Pero ang lakas ng dating. So syempre ako na ito. Ang #1 feeling close ng section. Lumapit. "Uy, anong spelling ng perf

