Nicole's POV Minsan talaga kahit gaano ka pa kasaya kasama ang mga kaibigan mo, may mga moments ka paring mapapaisip kung ano nga ba talaga ang direksyon mo sa buhay. Pero ngayong araw, gusto ko munang ipahinga iyon. Gusto ko lang munang tumawa, mag-aral, at makasama ang barkada ko. "Hoy, Nicole!" Sigaw ni Carla habang nakataas ang isang papel na may nakasulat na math formula. "Nasagutan mo na ito? Hindi ko talaga gets itong part na ito, eh!" Umikot ako sa upuan ko, tiningnan ko yung papel niya. "Ah, iyan ba? Madali lang iyan. Tingnan mo, oh." Sabi ko habang kinuha ang ballpen niya at sinulat ang step-by-step solution. "Grabe ka talaga, girl! Ikaw na ang math wizard!" Bulalas ni Carla sabay yakap sa akin. "Hindi, ah." Sabi ko sabay tawa. "Inaral ko lang kagabi. May quiz kasi mamaya,

