Chapter #6

1256 Words
Lupe P.O.V Nahinto at napalingon ako sa gawi kong saan nagmumula ang isang malakas na pag-alulong. Ito ay nangangahulugang nahanap na ng kasamahan ko ang aming hinahanap. Agad na kumilos ang kasamahan ko. Nag-iba kami ng direction at tinungo namin ang daan kung saan nanggagaling ang tawag na iyon. Mabibilis ang aming naging pagtakbo para makarating agad kami sa lugar kung nasaan sila. Ako ang siyang namuno sa paghahanap ng mga wolf hunter. Masiyado na silang peste sa aming mga lahi. Marami na silang napapatay sa amin. Dapat kami ang kanilang katakutan dahil mas malakas kami kumpara sa kanila. Tao lamang sila at kami ay higit pa sa pangkaraniwang tao. Maraming natatakot na sa aming lahi lalo na sa aking nasasakupan. Natatakot sila dahil baka ang aming pack na naman ang siyang maging target ng mga ito. Subalit ang hindi ko maintindihan na ang ibang pack ay nagawang makipag-alyansa sa kanila. Ang mga wolf hunter ang siyang naging dahilan kung bakit kami natalo nitong nakaraang digmaan. Kaya wala akong magawa kun'di ang makipag-anib sa ama ng aking Luna na si Alpha Caliv. Malaki ang siyang nawala sa amin. Hindi madali ang maka-recover na walang tulong ng iba. "Alpha," sinalubong ako ng aking Delta Hugo. Bumagal ang naging pagtakbo ng aking inner wolf. "Bad news, Alpha." he said using our mind link. Napaharap ang tingin ko sa bandang unahan. Habang palapit kami ay naamoy ko ang amoy ng dugo. Binilisan ko ang aking pagtakbo hanggang sa narating ko ang hinintuan nila. Mabilis akong nag-anyong tao. "What happened here?" kunot noong tanong ko. Inilibot ko ang aking tingin sa paligid. Blood is scattered everywhere. "They are gone, Alpha." pag-i-informed sa akin. Nasuntok ko ang punong malapit sa akin. Hindi ko alam kung paano at anong klaseng pagpatay ang ginawa sa kanila. Hindi lang mga dugo nila ang nakakalat, pati mga laman nila. Tila pinasabog silang lahat. Isa pa bang wolf hunter ang kalaban namin? Ashina P.O.V Pagkapasok ko pa lang sa aking bahay ay agad akong umakyat sa hagdan at tumungo sa aking kuwarto. Sinara ko ang pinto at nilocked ng walang makapasok lalo na sa aking situation ngayon. Pumasok ako sa banyo. Agad akong bumabad sa bathtub na punong-puno ng yelo. Inilubog ko ang aking sarili sa ilalim ng tubig na napakalamig subalit sa halip na humina ang init na aking nararamdaman ay mas lalo pang tumindi ang init na nararamdaman ko. Fuck! I hate this f*****g heat thing. Bakit ba ako nakararanas pa ng ganito? Naikuyom ko ang aking mga palad dahil maliban sa tumitinding init na nararamdaman ng aking katawan ay unti-unti ko ng nararamdaman ang sakit na siyang bumabalot sa aking buong katawan. Napahawak na ako sa gilid ng bathtub subalit agad din akong bumitaw dahil baka mawasak ko na naman ito. Umahon ako sa pagkakalubog. Napadaing ako sa sakit na aking nararamdaman. Ito na naman ang sakit. Ito ang pinaka-ayoko sa lahat, ang dumating ang kabilugan ng buwan. Para sa iba ang fullmoon ay mabuti para sa kanila ngunit hindi sa aming mga she-wolf. Ang mga unmated wolf ay nakararanas nang matinding init ng katawan na kung tawagin ay heat. "Urgh!" mahinang daing ko. Nilalabanan ko nang todo ang aking nararamdamang patindi nang patinding sakit. f**k! Bakit ganito ito kasakit ngayon? Walang epekto ang sobrang lamig ng tubig sa init na mayr'on ang katawan ko. Hindi ko alam pero nagkakaroon ako ng lakas para makaahon at makaalis dito sa bathtub. Tinungo ko ang aking kama saka ko binalot ang aking sarili ng kumot. Patuloy akong dumadaing at kulang na lang talaga ay sumigaw ako nang malakas. Mahigpit akong nakapakapit sa bed sheets. Sa tingin ng akong kapit ay nagawa ko itong mapunit. "Arghh!" daing ko habang naramdaman kong tila nababanat ang aking buto. Fucking s**t! Lou is awake. Lou is my inner wolf. Yes, I am also a werewolf. Muli akong napadaing ng unti-unting nagbabago ang aking anyo hanggang sa tuluyan ng maging isang wolf ako. "What are you doing, Lou?" saway ko sa aking inner wolf. "Pasens'ya na, Ashina. Subalit hindi kakayanin ng iyong katawang tao ang sakit na iyong nararamdaman. Kailangan kong lumabas ng sa ganoon ay hindi masiyadong maapektuhan ang iyong human form." nag-aalala niyang paliwanag. Totoo ang kaniyang sinabi. Dahil sa kaniyang paglabas ay medyo nabawasan ang sakit na nararamdaman ko. Kasalukuyan akong nasa isipan ni Lou. Siya ngayon ay ang nasa loob. Kapag ako ay naka-human form, siya ang nasa isipan ko, pero madalas na tulog lamang siya at sa ilang beses kong naranasan ang ganitong bagay ay ngayon lamang siya lumabas. Nagtaka ako kung bakit bigla siyang bumangon. Hindi ko nagawang makapagsasalita dahil nanghihina na ako. Tumalon siya mula sa bintana saka tumakbo nang mabilis. Saan pupunta si Lou? Naramdaman kong nakalabas na kami sa aming border. Hindi rin naman nagtagal ay naramdaman ko ang paghinto ni Lou. Ibinalik niya ako sa aking human form. Nang iminulat ko ang aking mga mata ay namulatan ko ang isang lake at kasalukuyang nakababad na ako rito. "Hurry, Ashina. Cover this place. Your scent was scattered everywhere. Naaamoy ng lahat na unmated male wolves ang mahalimuyak mong bango. Kasalukuyan na silang sinusundan ang iyong amoy." tarantang wika sa akin ni Lou. "Bakit mo ba ako inilabas?" mahinang tanong ko saka ginawa ko ang kaniyang sinabi. Binalutan ko ng barrier ang buong lake ng sa ganoon ay kahit matagpuan man nila kung saan nagmumula ang aking amoy ay hindi nila ako makikita. Muli akong napadaing sa matinding sakit na dumaan sa aking katawan at mas tumindi pa ang init na nararamdaman ko. "F*ck!" matinding hiyaw ko. "Ashina, okay ka lang ba? Naku! Kaya mo pa ba?" sobrang tarantang saad ni Lou mula sa aking isipan. "I-I c-can do i-it." hirap na hirap kong tugon sa kaniya na sa totoo lang ay mukhang hindi ko kakayanin ngayon. Pakiramdam ko ang aking buto ay dinudurog nang husto at tinutusok ng ilang milyong karayom ang aking kalamnan. "I think we should call him, Ashina." biglang wika muli ni Lou. "Him? Sino ang iyong tinutukoy mo, Lou?" tanong ko. Buti na lamang ay kinakausap ako ni Lou. Ito ang siyang tumutulong sa akin para hindi mawala ang aking kamalayan. Hindi ako puwedeng makatulog or mawalan ng malay. Nasa labas ako ng aking lugar. Hindi ko alam kung ano ang puwedeng mangyari once na mawalan ako ng malay sa aking paligid. "Your mate, Ashina. He can help you ease the pain you are feeling right now." saad niya na ikinagulat ko. Nang marinig ko ang sinabi niya. Isang tao ang siyang pumasok sa aking isipan. Iyong taong labis kong kinamumuhian. "What? We both know that I don't have a mate anymore. He has already rejected us." sambit ko naman. Medyo umahon ako at inilapat ko ang aking kalahating katawan sa lupa, habang mula sa baywang hanggang paanan ko ay nasa lake. Ang damo naman ang siyang kinapitan ko. "Hindi! Hindi siya ang aking tinutukoy." mabilis na tanggi niya. "What? E, kung ganoon. Sino ang tinutukoy mo?" taka kong sambit. "Si Alpha Zeeb ang iyong tunay at soul mate natin, Ashina." seryosong sambit niya. "What? H-How? Alam natin na isang -- oh! F*ck!" biglang gumuhit muli ang matinding sakit sa aking katawan. Napagtanto ko rin possible ang sinasabi ni Lou tungkol sa mate thing na 'yan. Marahil ang isang wolf ay mabigo sa una, may pagkakataon pa siyang makilala ang kaniyang pinaka-soul mate, ngunit iilan lamang sa lahi naming lobo ang ganoong situation. Sa muli pagsipa ng sakit ay napasigaw na talaga ako nang malakas. TheKnightQueen ?
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD