Ilang sandali pa ay huminto sila sa isang kilalang fast food. Bumaba na ang dalaga at nakatingin lamang kay Keiran na tinatanggal ang suot na helmet. Napatingin ito sa kaniya at natawa. “Your hair,” saad nito. Napahawak naman ang dalaga sa buhok niya at basta na lang itinali. “Kita pa ba?” tanong niya at napangiti na rin nang umiling ang binata. “Tara na sa loob, malakas ako kumain. Libre mo ako ha,” ani ng dalaga at nauna nang maglakad. Sumunod naman ang binata at ito na ang um-order. May dala itong spicy chicken joy, rice, burger, fries, mango pie, spaghetti at iba pa. Umupo ito sa kaharap niyang upuan. Napangiti naman si Naeia nang makita ang mga pagkain at nilantakan iyon. Nakatingin lamang si Keiran sa kaniya. “Kain na, alam kong maganda ako. Pero alalahanin mong h

