“Gusto ko sanang sumama sa ’yo sa trabaho,” mahinang wika ni Diana habang nakayakap sa asawa niya. Hinahaplos naman nito ang kaniyang buhok. Parehong hubad ang katawan sa ilalim ng kumot. “You missed working?” tanong nito. Tumango naman kaagad si Diana. “Oo, paniguradong nagtaka iyong mga empleyado mo kung bakit sa first day ko pa lang gumawa na ako ng eksena. Nakita ka pa nilang karga-karga ako,” sagot ni Diana. “Papayagan kitang magtrabaho ulit bilang personal adviser and energy charger ko sa trabaho. Gusto kong kasama kita sa bawat ginagawa ko nang sa ganoon ay mababantayan kita palagi,” seryosong saad ni Paris. Tumango naman si Diana at hinigpitan pa ang yakap sa asawa niya. “Oo naman, basta ayaw ko lang na mag-isa rito sa bahay,” sambit pa niya. “Baka may maitulong din ako sa ‘yo

