“Ano’ng ibig mong sabihin?” kunot ang noong tanong ni Diana. Walang reaksiyong tiningnan siya ni Paris at sinagot. “Stop pretending, stop neglecting yourself with the truth,” ani Paris. “Bakit ang hilig mong pigilan ang sarili mo? Bakit palagi mong ipinapakita na okay ka? Na masaya ka kahit na ang totoo ay hindi. I know that you’re angry, then get angry,” malamig na dagdag pa nito. Natawa si Diana at malakas na itinulak ito. “Eh putangina ka pala eh! Huwag mo akong pakialaman. Hindi ko pinapakialaman ang buhay mo!” singhal niya rito. “See? You’re angry,” sambit pa ni Paris. Natawa naman nang pagak si Diana. “Masaya ka na? Masaya bang makita na galit ako ha? Kung pinili ko mang maging masaya kahit nasasaktan ako choice ko ‘yon. Huwag mong pakialaman dahil hindi kita

