Nakasuot ng tight jeans na pinaresan ng mustard color semi-crop top shirt and white sneakers. Itinali rin ni Karissa ang buhok niya pataas. Naglagay lang siya ng kaunting lip tint sa labi niya at lumabas na. Nakita naman niya roon si Adi na halatang hihnintay ang paglabas niya. “Ahm,” ani ng dalaga at napahawak sa mahabang buhok niya. Tumayo si Adi at ngumiti. Napangiti na rin ang dalaga. “Enjoy kayo ha,” wika ng ina niya na nasa loob ng kusina. “Alis na po kami, Tita,” paalam ni Adi. Tumango naman ito at kinindatan ang anak niya. Napairap naman si Karissa at pinipigilan ang ngiti. Nang makalabas ay pumasok na sila sa loob ng sasakyan. “Mas maganda ka kapag nakataas ang buhok mo, it’s my first time seeing you like this,” anito. Nahihiyang ngumiti naman si Karissa. “Sa

