“Hoy! Doon ka nga maglinis,” ani Bekbek kay Diana. Tinaasan niya lang ito ng kilay. “Iyang puwesto mo ang linisan mo, huwag kang palautos pareho lang tayong janitress dito,” sagot ni Diana. Natawa naman si Estelita sa hindi kalayuan. “Kabago-bago mo lang dito ah. Hindi mo ba kami kilala?” asik naman ni Irene. Kaagad na natawa nang pagak si Diana. “Alam mo? Ang bobo mo. Sa tanang buhay ko ngayon lang ako nakakita ng pangit at bobo. Ang sagwa ng combination. Alangan namang makilala ko kayo eh kaha-hire ko lang nga. T’saka wala akong pakialam sa inyo. Trabaho riyan, hindi iyong para kang amo kung makautos. Ang importante malinis tang-inang ‘to,” inis niyang saad. Sinasabi na nga niya. Kung ang amo mo ay mabait paniguradong may empleyado iyang kung makaasta ay parang siya a

