Five

1279 Words
CONFIRMED. Humihihit ng Baygon si Marrio Debil. Kung hindi, hindi papasok sa utak ng bruho ang mga kalokohang kapalit ng s*x na alok niya! Ibang klaseng lalaki. Kapalit ng isang beses na 'do', three months siyang maid? Hindi pa nakontento ang ungas, panagutan pa raw niya? Siya pa talaga ang kailangang managot? Gusto nang iumpog ni Lemuella sa dingding ang ulo. Pero may pagpipiliin ba siya? Heto na, nakakuha na siya ng lalaking payag mang-devirginize. Hindi na siya dapat mag-inarte pa. Hindi nga lang talaga katanggap tanggap ang hinihinging kapalit ni Marrio. Napailing si Lemuella nang maisip si Lola Pinang. Dapat pa ba siyang magtaka sa mabilisang alok ni Marrio ng kasal? Hindi. May pinagmanahan lang ang apo—sa lola nitong mabilisan din kung magdesisyon at may malabong paliwanag sa mga bagay-bagay. Si Marrio ay halatang hindi nag-isip. Basta na lang itatapon ang kalayaan, parang sa kung paano lang niya itatapon ang kanyang virginity. Kung tutuusin, patas lang sila. Mas may advantage pa nga siya. Makukuha nito ang virginity niya kapalit ay kasal. Hmn? Natigilan si Lemuella. Hindi ba mas okay iyon? Magiging asawa niya ang unang lalaki sa buhay niya? Okay na rin siguro iyon. Walang pagmamahal? Ayos lang. Ang dami nga na naghihiwalay pagkatapos sumumpa ng habang-buhay sa isa't isa. Maano ba namang subukan ang walang pagmamahal na kasal. May naiisip nga lang siya—baka may babaeng tinatakasan itong si Marrio Debil at gagamitin lang siya. Ayaw nang mag-isip ni Lemuella kaya humiga na lang siya sa kama. Tumitig sa itaas nang tagusan. Si Marrio ay lumabas, pupuntahan raw ang lola nito. Hindi na itinuloy ni Lemuella ang pag-alis. Dalawang araw pa si Marrio sa resort para samahan ang naglalambing na lola nito. Kailangan rin niyang mag-stay para hintayin si Marrio. Isipin na daw muna niyang bakasyon iyon. Magkasama silang babalik ng Maynila at sa condo nito—doon sila magdo-do! Nag-text si Macaria. Nakahanap na daw ng sagot sa 'problema'. Alam na agad ni Lemuella ang ibig sabihin ng pinsan. Hindi na siya nag-isip pa. Tinanggap niya ang deal ni Marrio. Ngingisi-ngising lumabas ng cottage ang lalaki. Natulala naman nang ilang minuto si Lemuella bago niya napilit ang sariling kumilos at ibagsak ang katawan sa kama. Asawa at maid, sa isip ni Lemuella habang tulala. Kailangan na niyang ihanda ang sarili. Three months lang naman, sa isip niya. Sana lang ay pumayag din si Marrio sa hihingin niyang pabor. Kailangan din nitong humarap sa angkan niya bilang 'asawa' “WHAT are you really up to, old woman?” si Marrio at sumalampak na lang basta sa wooden floor ng cottage. Katabi niya ang binti ng pinakamamahal niyang babae sa mundo—si Josefine Greech, ang lola na tumayong ina at ama niya sa twenty five years na existence niya sa mundo.             Wala siyang nakilalang magulang. Adopted son daw siya ng bestfriend ng adopted daughter nito. Namatay sa plane crash ang dalawa. Three years old siya nang mangyari ang trahedya at wala  pa siyang maalala sa ina. Si Grandma na ang naging pamilya niya. Hindi sila magkadugo pero minana niya daw halos ang ugali nito noong kabataan—stubborn, carefree, pabago-bago ng isip, malambing, mapang-alaska at walang puso madalas. Hindi na nga nagugulat ang matanda sa mga nababalitaan nitong mga kalokohan niya. Hindi na rin bago ang papalit-palit niya ng babae na para lang nagbibihis. At ang mas minana daw niya rito, ang pagiging obsessed na magpaguwapo. Ganoon rin daw ito noong kabataan, takot na takot pumangit.             May mga pagkakataon nga lang na pareho nilang ‘hate’ ang isa’t isa dahil sa magkaparehong trait—manipulative. Pagdating sa pagpapaikot ng mga tao sa paligid nito, walang kupas si Grandma. Hindi niya kayang tapatan ang talino at pagiging tuso. Mapapatunayan na naman niya ngayon kung paano nito gagamitin iyon.             Paiikutin na naman siya—hindi lang pala siya, pati ang babaeng hindi pa rin niya alam kung bakit nasa resort at nakapasok sa bitag ni Granda. Malinaw na walang alam ang babae sa nangyayari. Walang kamalay-malay si Ellah  na nakapasok na sa ‘spider web’ na gawa ni Grandma. Sa mga susunod na araw ay pareho silang iikot sa laro—na kontrol nito.             Kawawang babae.             Napakadaling nagtiwala kay Grandma. Walang ideya si Ellah kung gaano ka-manipulative ang matandang iniisip yata nito na napakabait.             “Kung mag-iingay ka sa oras ng pahinga ko, lumabas ka, Marrio,” si Grandma sa pantay at walang emosyong tono. Kung hindi niya ito kilala, titiklop agad siya sa awtoridad na kasama sa tono. Tunog seryoso at walang panahon sa kahit anong nonsense—na maling mali. Bored na bored na siguro ito na walang ginagawa, kaya mas maraming oras sa nonsense.             “Hindi ka nagpapahinga, Grandma,” sagot ni Marrio. “May niluluto ka na namang kalokohan,” mas lumapit siya sa may binti nito. Maraming beses na niyang nagamit ang iba’t ibang strategy na kadalasan ay fail naman. Hindi niya pa rin makuha ang gusto niya. Ang tatag ni Grandma. Sa isang paraan lang talaga ito tumitiklop, kapag dinaan niya sa lambing. Kahit pa tumaas na ang presyon nito dahil sa kanya, kapag nilambing niya ay natutunaw ang galit.             “You gave her the ring,” sabi niya at humilig sa side ng hita nito. “What do you want me to do?”             Ang black diamond solitaire ring ay kasama daw niyang dumating sa buhay nito. Kung bigay ng isa sa mga lalaking dumaan sa buhay nito o heirloom na ipinasa rito, hindi alam ni Marrio. Ang sigurado lang niya ay ang halaga ng singsing kay Grandma. Hindi nito basta ibibigay ang singsing sa kung sinong babae lang. Ang babaeng binigyan nito ng singsing, kung hindi niya girlfriend ay kailangan niyang kilalanin—dahil interesado si Grandma sa babaeng iyon. At para magkainteres ang isang bored na matanda sa isang babaeng hindi niya alam kung paano nito nadala sa resort, siguradong may dahilan. Hindi kumikilos si Grandma ng walang plano. Alam ni Marrio na may dahilan ang pagdating ng babae sa resort.             “Nothing, silly!” sabi ng matanda. “Wala kang kinalaman sa dahilan ng pagbibigay ko ng singsing kay Ellah!”             Tumingala siya kay Grandma.             “Wala ba talaga?”             Nakita niya ang pagngiti ng matanda. Kinabahan na si Marrio. Alam niya ang ngiting iyon. May plano talaga si Josefine Greech at kailangan niyang mag-ingat.             “Marry her.”             Nagmura si Marrio sa isip. Sabi na nga ba niya. Tama lang talaga na inalok niya ng kasal si Ellah. Wala siyang balak ituloy iyon—biro lang talaga. Gusto niyang makita ang reaction ng babae. Pero ngayon, mukhang siya ang mapapasubo.             “And if I don’t?”             “Oh, you will, my dear grandson!”             Napailing na lang si Marrio, napasubsob sa sariling mga palad.             Kailan ba siya nagtagumpay na kontrahin ang kagustuhan ni Josefine Greech?             Hindi pa.             What grandma wants, grandma gets.             Ang pagtanggi kay Grandma ay kahulugan ng gulo sa buong buhay niya—dahil pakikialaman nito lahat ng activities niya. Sisirain lahat ng maaring sirain sa mga plano niya hanggang siya na mismo ang makiusap na tumigil na.             Pero may isang bagay na sigurado si Marrio—mahal na mahal siya ng matanda at hindi siya nito isusubo sa kapahamakan.             Ang kasal na binanggit nito? Isa na naman sa mga test sa kanya—kung susunod siya o susuway.             Itutuloy ni Marrio ang kasal. Kailangan niyang kilalanin si Ellah. Bakit pag-aaksayahan ng atensiyon at panahon ni Grandma si Ellah? Sino ito at ano’ng mayroon sa babaeng iyon para makuha nito ang interes ng matanda?                       Hindi kaya tunay na apo ni Grandma si Ellah? 
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD