Dalawang araw rin ang nailagi ni elly sa hospital, dahil ayaw niyang kumain , ayaw niyang uminom ng gamot at puro diamond ang bukambibig, di ko naman siya masisisi kasi ina siya at alam ng isang ina kung ano ang dapat gawin. pero hanggang kelan siya ganito? Kinuha nila cinco ang dalawang bata at inilapag sa kuna, nang biglang bumangon si elly sa pagkakatulog. At nabigla kami ng paghahampasin ni elly ang dibdib niya kaya bigla akong nataranta sa kanya "Bakit kasi ako pa?! Bakit ako pa yung may sakit?! Bakit kailangan pa'kong mawala?! Hirap na hirap nako! Pagod na pago na rin ako! Sa bawat pagdaan ng mga araw pahina ng pahina lalo ang puso ko!" umiiyak na sigaw ni elly habang hinahampas niya ang dibdib niya hindi ko din alam kung paano ko siya mapipigilan "..Bakit ako pa kailangan makar

