Chapter 3

1002 Words
Napahagod ako sa buhok ko at nanginginig kong naikuyom ang mga kamao ko sa lahat ng narinig ko! Sapat na para maniwala ako! "Kuya! Tanggapin mo na lang na kami na ni grey! Aren't you happy for me? Hindi kaba masaya na ikakasal na ang bunso mong kapatid?!" Inis na tanong ni eliza sakin. Napairap naman ako sa kanya. Kilala na kita eliza.. Kilalang kilala.. Alam kong planado to! Alam ko! Hindi nila mabibilpg ang ulo ko! Napalingon ako kay grey na wala.namang emosyon na nakatingin sakin.. Minahal ka ng kapatid ko! Binigay niya ng buo sayo pero ito ang pinalit mo! You promised me na hindi mo sasaktan ang kapatid ko! You f*cking promised me! Sa sobrang galit ko hinablot ko ang kwelyuhan niya.. "Damn you!" buong lakas na sigaw ko sa kanya at sinuntok ko siya ng malakas. "Pinagkatiwala ko sayo ang kapatid ko! Nagtiwala ako sayo! Pero ano to huh?! Fvck you!" gigil na sambit ko sa kanya. Hindi ko din akalain na lolokohin niya ang kapatid kong walang ibang ginawa kundi mahalin at intindihin siya! Tinanggap siya ng kapatid ko na walang pagaalinlangan! "Kuya! Ano ba!--Grey babe ayos ka lang ba?" Inalalayan ni eliza si Grey. At sinamaan ako ng tingin pero di ko yun pinansin. Napangisi ako kay eliza, napangisi ako sa kanilang lahat. "Ano to ma? pa? nasan ang kapatid ko? Habang nakakapagtimpi pako" nakangising sambit ko sa kanila. Tumayo naman si papa at sinamaan ako ng tingin pero di ako natinag sa kanya. Isa sila sa mga dahilan kung bakit buong buhay ng kapatid ko naghihirap siya at nasasaktan. May mangyari lang masama sa kapatid ko! Hinding hindi ko sila mapapatawad! "Wag na wag mong babanggitin ang pangalan ng kapatid mo! Wala akong anak na disgrasyada! Nabuntis siya ng hindi nya kilalang lalaki! Kaya simula ngayon wala nakong anak na katulad niya!" Galit na sambit ni papa sakin.  Napaatras ako at halos di ako makapaniwala sa kanya.  Sa kanila ni mama.. "Saan niyo narinig yan?" Mahinahong tanong ko sa kanila.  Buntis si elly? Kung buntis man siya si grey ang ama non dahil walang ibang minahal si elly kundi ang lalaking walang emosyon na nakatingin sakin.. Kaya paanong..  Napatingin ako kay Eliza na nakatungo at kunwari na nagpapaawa. "Tsk. Ikaw pa nagsabi eliza? ikaw pa huh?" Nakangising tanong ko sa kanya. napaiwas naman siya ng tingin sakin pero halata mo ang inis niya. "Ano kayang kwento ang sinabi mo mahal kong kapatid?" Sarakstiko kong tanong sa kanya. Nanlaki naman ang mga nata niya at napaawang ang bibig kaya mas lalo akong napangisi sa kanya. I know you too well bitch.. Hindi moko madadaan sa pagpapaawa mo! "Elizar!" sigaw ni mama sakin. walang emosyon naman akong lumingon sa kanila. "Pag may nangyaring masama kay Elly.." mahinahon pero may halong gigil na sambit ko  "Humanda kayo sakin dahil wala na rin kayong anak na katulad ko" dagdag ko pa at sinipa ko ang upuan atsaka ako pamulsang naglakad palabas pero napahinto muna ako at walang emosyon kong tinignan si grey. "Wag na wag ka ng lalapit sa kapatid ko! Naiintindihan mo? hindi na kita kaibigan! kilala mo'ko pagdating sa kapatid ko, lahat sinisira ko.." Ningisihan ko siya at huling tingin pa ginawa ko sa kanila bago ako tuluyang lumabas sa mansyon. Nasipa ko sa galit yung gulong ng sasakyan ko at napasabunot na lang ako sa buhok bago ako sumakay sa sasakyan ko at saka ko pinaharurot palayo. Nasan kana prinsesa ko? Galit akong nagdrive palabas ng village nila at kinokontak ko si Elly pero hindi rin nya sinasagot!  Kinakabahan nako sa kanya!  Wag naman sana! Napadako ang tingin ko sa park may isang bulto ng tao ang nakaupo sa swing.. si elly yon!  agad agad kong pinarada ang sasakyan ko sa tabi.  At tumakbo nako palapit kay Elly, narinig ko pa ang paghikbi nya.. "Elly" tawag ko sa kanya. pinunasan nya ang luha nya at ngumiting lumingon sakin.  Napatabi naman ako sa kanya. "Kuya.."  Niyakap nya ako at humagulgol na siya ng iyak. Kaya wala akong magawa kundi ang yakapin ang kapatid ko para malaman niyang nandito lamang ako sa tabi niya. Naiinis ako! dahil wala rin akong magawa para sa kanya! Ilang minuto rin syang umiyak sa dibdib ko, bago sya kumalas sakin at ningitian nya ako kaya napangiti rin ako sa kanya.  Nakakagaan talaga ng loob ang mga ngiti nya. "I heard what happen. Ano nang gagawin mo?" Tanong ko sa kanya. Bumuntong hininga sya at ngumiti ulit. "Ang buhayin ang anak ko.." mahinang saad niya at napatingin sa malayo "siya na lang ang meron ako kuya kaya papalakihin ko siya ng maayos" nakangiting sambit nya habang nakahawak sa tyan nya. "Hindi naman hadlang ang nangyari ngayon sa magiging anak ko.. alam kong maiintindihan nya rin ang lahat pagdating ng panahon.. kaya ikaw kuya wag na wag mong papasakitan ng ulo sila mama at papa ikaw na lang aasahan nila sa lahat ng negosyo." Tinapik nya ako sa balikat at ningitian ako ulit. Kumunot ang noo ko sa kanya.. Pagkatapos ng lahat, ganyan parin iniisip niya? Hanggang kailan ka magiging mabait kapatid ko? Kung ako lang masusunod, hinding hindi nako babalik sa pamilyang yon! Kaya kong buhayin ang kapatid ko sa sarili kong paraan, may pera ako sa George company, dahil ako mismo ang nagpatakbo non. ako mismo nagbangon non.. Kaya nga hinding hindi nila ako mapapakawalan.. "Pero--" di ko na natuloy ang sasabihin ko nung umiling sya. "Alam kong gusto mo akong tulungan pero di ko matatanggap yun kuya, kaya kong buhayin ang anak ko ng magisa. Gusto ko ako mismo magpapatunay sa sarili ko na hindi ko kailangan ng tulong ng ibang tao. kaya kuya kung ano ang nasa isip mo wag na wag mo nang ituloy, tama nang ako lang ayoko nang madamay ka pa dito.. Alagaan mo si Eliza ha? Tandaan mo siya parin ang bunso natin.. Wag kang magalala kuya magkikita pa naman tayo eh.. Kaya wag mo na akong alalahanin ha? kaya ko ang sarili ko" Niyakap nya ako ulit at tinapik tapik sa balikat ko.. Hindi ako makapaniwala na nagaalala parin sya sa kabila ng nararamdaman niya ngayon.. pero hindi yun sapat para di ko malaman ang totoo.. kung bakit ganito sila sayo.. Hindi ako makakapayag na masaktan ka ulit nila! Hindi na! Hindi ko rin hahayaan na may manakit pa sayo! Ako nga ang superhero mo, at poprotektahan kita sa abot ng makakaya ko..
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD