Lumabas ako at dumiretso sa gilid ng mansion para puntahan ang kwarto na tinutulugan ni Noe. May lakad kami ngayon at hindi ko siya nasabihan kagabi kaya narito ako ngayon sa harap niya. Pero nagulat ako nang sabihin niyang iiwan na niya ang trabaho niya. Ngayon, tinatanong ko siya kung sigurado ba siya sa sinasabi niya. "Ano? Mag-re-resign ka?" Singhal na tanong ko sa kanya. Seryoso niya akong tiningnan bago siya tumungo. "Noe, answer me. Mag-re-resign ka?" Pag-uulit ko. "Oo,” Tipid niyang sagot. Umiling ako pero seryoso niya lang akong tiningnan bago mabilis na pumasok sa kwarto niya. “Noe, mag-usap nga tayo.” Pumasok ako sa loob ng kwarto niya at bumungad sa’kin ang dalawang security guard na ngayon pa lang nag a-agahan. ‘Yung isa ay walang suot na pang itaas na natigilan sa paghi

