Buong oras niyang hawak ang kamay ko at kahit isang beses ay hindi niya iyon binitawan. Pagkatapos nang malubak na daan, tumigil kami sa harap ng isang tulay. Bahagya ko siyang tiningala, nagtataka kung bakit kami tumigil sa paglalakad. Napansin ko ang mataas na bato na kailangang akyatin para matahak ang tulay. Nag dikit ang mga kilay ko nang maramdaman ko ang dahan-dahan na pagkalas niya sa kamay ko. Nauna siyang umakyat sa tulay bago niya ako lingunin habang may ngiti sa kanyang mga labi. "Iwan na kita d'yan," pang iinis niya sa akin. Ngumuso ako sa kanya dahilan para mapatawa ito. Pouting is really not my thing, pero ewan ko ba kung bakit nang maging boyfriend ko si Noe, ang hilig-hilig ko na magpa-cute at mag-baby talk. I don't know, maybe I just want his attention all the time.

