Ilang taon na ang nakalipas simula noong araw na sumikat ako. Nagsimula silang makilala ako bilang isang magaling na artista dito sa Pilipinas, pati na rin sa ibang bansa.
Kagaya nang sinabi ko, sumikat ako. At dahil don, ang pagpunta sa publikong lugar ang hindi ko magawa ng mag-isa lang. Gusto ko lang naman maranasan ulit lumabas na walang gugulo sa'kin. Walang nag-pa-pa-picture, at hindi ako pinagkakaguluhan. Gusto ko ulit maranasan ang maging malaya sa publiko.
I think this is the craziest thing I've ever done. Sa kagustuhan kong lumabas bilang isang normal na tao, nagsuot ako ng damit na hindi ako makikilala bilang Cake Mendoza.
Ilang oras na 'kong nandito sa loob ng mall at kahit isa ay walang nakakapansin o nakakakilala sa'kin. This is so fun and I'm really enjoying it. Ngayon ko lang ginawa 'to at hindi ko inakala na posible pala.
Umikot pa 'ko sa perfume store na ito at tinuloy ko ang paghahanap sa paborito kong pabango. Kung ano-ano kasi ang mga pabangong natatanggap ko mula sa mga sponsor. Sabi ni Mom, kailangan kong gamitin lahat 'yon kasi mga sponsor ko 'yon. Hindi naman siguro masama kung gamitin ko ang paborito kong pabango minsan.
Sila naman lagi ang nasusunod, pwede bang ako naman kahit sa pabango lang?
Nang mahagilap ng aking mata ang isang pamilyar na pabango ay agad kong dinampot ito para amuyin.
"Ito na nga 'yon," Bulong ko.
I got myself five pieces para makapag-bayad na 'ko at maka-uwi. Masyado na rin akong maraming dala at hindi ko na kaya pang hawakan 'to ng mas matagal pa.
When I'm about to go to the counter, someone bumped into me. Bumagsak ang mga pabangong hawak ko dahilan para umangat ang tingin ko sa babae.
"Ay, Miss. Sorry po," Aniya.
Tanging pag tango lang ang sinagot ko sa kanya dahil hindi ako pwedeng magsalita. Marahan akong umupo at pinulot ang mga pabangong nalaglag sa sahig.
Nang tumayo ako ay napansin ko ang matagal niyang pagtitig sa'kin. Agad kong hinila pataas ang mask ko dahil hindi ko napansin na nahuhulog na pala s'ya mula sa ilong ko.
Ilang minuto n'ya akong tinitigan kaya't nagmadali akong lumapit sa counter.
"Cake Mendoza?" Nanlaki ang mga mata ko nang marinig ko 'yun mula sa babae. Nilapag ko ang mga perfume sa counter at nagpanggap na walang narinig. "Ms. Cake? Ikaw ba yan?" Ulit niya.
Nang marinig yun ng kahera ay napatitig na rin s'ya sa'kin habang kinukuha ang mga perfume na hawak ko. Lumakas ang t***k ng puso ko at nagsimula na rin magpawis ang kamay ko.
Walang pwedeng makakilala sa'kin. Wala.
Tumungo ako at nag-intay sa kahera. Pero ilang saglit lang ay mabilis na lumapit sa'kin ang babaeng bumangga sa'kin at marahang hinawakan ang kamay ko.
"It's you, Cake Mendoza!"
Umibabaw ang sinabi niya dahil sa malakas niyang boses. Ang lahat ay napatingin sa direksyon namin at halos mabingi ako dahil sa bulungan nilang lahat.
Bahagyang nanlaki ang mga mata n'ya at hinawakan pa ang kamay ko dahilan para mabitawan ko ang iba kong pinamili.
"Si Cake Mendoza nga! Si Cake Mendoza!" Sigaw n'ya habang tinuturo ako.
In just a blink of an eye, everyone is around me and giving their phones to me. Hinigit nila ako dahilan para mabitawan ko na ang mga pinamili ko. I started crying when I felt their nails on my skin. Their sweat on my clothes and their breath on my face.
Sinubukan kong tumakas sa mga hawak nila pero hinaharangan nila ako. Abala silang lahat sa pag-abot sa'kin ng mga pens at cellphones nila.
Until someone just pulled me out of the crowd. Niyakap ko siya na parang wala ng bukas, niyakap ko siya sa takot na baka hilahin ako ng iba at lalong pagkaguluhan.
Sinubsob ko sa dibdib n'ya ang mukha ko at hindi ko man lang naramdaman na gusto na niya akong bitawan. Nanatili kaming magkayakap at lumalayo sa mga tao. Alam kong nababasa na ng mga luha ko ang dibdib n'ya.
Artista lang kami, normal na tao din kami. We have our own flaws too and we're not perfect. We are normal people, treat us as one.
"We're in a safe place now," Bulong niya.
Bahagya akong kumalas at nakita ko ang bakat ng sipon ko sa damit n'ya. Agad ko 'tong pinunasan pero humaba lang 'yon lalo.
"It's okay. Luha lang 'yan," Wika niya.
Sasabihin ko ba na hindi luha 'yon?
"Thank you," Sagot ko. Pinunasan ko ang mga luha ko gamit ang sleeve ng jacket ko. Marahan akong tumingin sa kanya bago ako pilit na gumiti.
Nagkaroon ako ng utang na loob sa kanya kahit hindi ko s'ya kilala. Hindi ko alam kung paano ako magpapasalamat sa kanya pagkatapos niya akong iligtas kanina.
"Are you okay?" He asked. Tinaas ko ang mga sleeve ng jacket ko bago marahan kong tinaas ang mga braso ko para ipakita sa kanya ang mga kalmot na nakuha ko kanina. "Gusto mo bang dalhin kita sa clinic?"
Hindi ko mapigilang mapatitig sa kanya dahil simula nang sumikat ako, ngayon lang may kumausap sa'kin ng ganito. Para lang akong isang normal na tao sa kanya. Hindi ko mapaliwanag ang mga tingin niya, para akong hindi artista dahil sa mga tingin niya.
"Do you know me?" Tanong ko sa kanya. Hindi ko napigilan ang pagtatanong dahil sa ginawa niya sa'kin.
"Yes." Tipid n'yang sagot. Marahan akong tumango bago ko ibaba ang mga sleeve ng jacket ko. "Gusto mo bang dalhin kita sa clinic?" Mabilis n'yang pag-iwas sa usapang kabubukas ko palang. Gusto ko sana itanong sa kanya kung paano niya ako nakilala.
"I'm okay. Gusto ko lang maka-uwi." Sagot ko sa kanya kahit hanggang ngayon ay nararamdaman ko pa rin ang mga kuko nila sa balat ko at ang mga pwersang natanggap ko kanina..
"Punusan mo muna 'yang sipon mo, Cake. Para kang bata," Binato ko siya ng masamang tingin bago ko gawin ang utos niya. Malay ko bang tumutulo na pala ang sipon ko! Aysh.
Nakaraan ang ilang minuto, nakatitig lang ako sa sahig, kinakalma ang sarili dahil sa nangyari. Tiyak na lagot ako kay Mom kapag nalaman niya ang ginawa ko. Lalo na't isang sikreto lang ang ginawa ko, lalo akong malilintikan doon.
"Thank you sa pagtulong mo sa'kin kanina," Basag ko sa katahimikan. Nandito kami ngayon sa parking lot ng mall, hindi pa rin makapaniwala sa nangyari.
"Bakit ka ba kasi lumabas ng walang kasama? Wala ka bang bodyguard? Hindi ka naman laos para mawalan ng pambayad sa bodyguard, d'ba?" Sunod-sunod n'yang tanong.
"May bodyguard ako. Tumakas lang talaga ako para bilhin ang paborito kong pabango," Sagot ko sa kanya.
Tinawanan niya ako pero nginitian niya rin ako sa huli. "Para kang bata," He added.
Natahimik kami ng ilang minuto hanggang sa basagin iyon ng isang tunog mula sa cellphone ko. Agad ko 'tong kinuha sa bulsa ko at tiningnan ang text na galing kay Mom.
[Where are you? Tumakas ka na naman ba, Cake? Hindi ba't sabi ko sa'yo, delikado ang panahon ngayon? Umuwi ka na. Nakakarami ka na sa'kin.]
Yes, you read it right. Ilang beses na 'kong tumatakas, madalas nila akong nahuhuli kaya hindi ako natutuloy. Ngayon lang ako nakatakas sa kanila kaso hindi ako nakatakas sa mga tao.
"I need to go home." Mabilis akong tumayo at pinag-pagan ang aking likuran dahil sa pagkakaupo ko sa sahig.
"Do you want me to drive you home–"
Mabilis n'ya akong hinila at ngayon ay naka-subsob na naman ako sa dibdib n'ya.
"Sayang hindi man lang tayo nakapag-papicture kay Cake. Ang ganda pala talaga n'ya sa personal, 'no?"
"Ang galing naman kasi nung bodyguard. Sobrang lapit ko na kaya sa kanya, konti nalang mayayakap ko na siya."
"Tingnan mo 'to, ang ganda n'ya dito kahit stolen."
Nanggaling ang mga boses na 'yun sa tatlong babae na naglalakad sa unahan ng kotseng pinagtataguan namin. Kaya pala hinila niya ako at sinubsob sa malaki niyang dibdib… Nag-pi-pills ba s'ya?
"You should go home. Baka may makakita pa sa'yo rito." He opened my car. Bahagya niya akong inalalayan para makapasok.
"Take care."
"Teka lang!" Pigil ko sa kanya habang abala s'ya sa pagtingin sa paligid. "Anong pangalan mo?"
"Noe."
He quickly closed my car's door at mabilis akong iniwan. Tumatak sa isip ko ang mukhang mayroon s'ya, umaasang makikita ko pa siya. Hindi ko makakalimutan ang nangungusap niyang mga mata, matangos na ilong at ang malalambot niyang mga labi.
***
"Tanga ka ba? Paano kung hindi ka nakaalis don? Sa tingin mo ba kalmot lang yung makukuha mo? Sa sobrang saya nila na makita ka, pag-a-agaw agawan ka ng mga 'yan!" Nangingibabaw ang boses ni Mom sa buong bahay at kanina pang naglalakad sa harapan ko habang abala naman si Ate sa pag-scroll sa cellphone niya.
"Sis. You're trending!" Sabi niya sa'kin na hindi ko binigyang pansin.
Nakatuon lang ang atensyon ko sa mga kalmot na natamo ko kanina. Hindi ko na uulitin ang pagtakas na 'yun, hindi na talaga.
"Ate, I told you to find him. Hindi yung pinagkakaabalahan mo pa 'yung issues sa twitter." Inirapan niya muna ako bago siya tumango sa'kin.
Hanggang ngayon iniisip ko pa rin ang nangyari kanina. The way he pulled me, the way he hugged me, and the way he talked to me. His nose, his lips and his… natigilan ako nang marinig ko ang boses ni Mom.
"Janine, stop searching about that guy! Cake, nakalimutan mo na ba? May loveteam kang pinoprotektahan. You can't just find that guy and hook up with him." Hindi pa rin bumababa ang tono ng boses ni Mom, nakakahiya na sa mga bodyguards.
Para namang ang landi kong anak dahil sa sinabi niya. May respeto ako kay Kurt, hindi ko naman sisirain ang loveteam namin ng ganun-ganun na lang.
"At saka, 'wag mo ngang iniiba ang usapan. Mali ang ginawa mo kanina–" I cut her off.
"Mom, kumpleto ang braso ko, ligtas ako. Mag-chill ka na dyan, 'wag mo na 'kong sermonan."
"Seryoso ka ba? Alam mo, hindi kita masesermonan kung patay ka na. Sesermonan ba kita kung patay ka na?"
Sinampal ko ang noo ko. Hindi ko alam kung anong patutunguhan ng mga sinasabi ni Mom. Hindi ko na maintindihan ang sinasabi n'ya, hindi ko na alam kung anong pino-point niya.
"Mom, stop it. I'm complete, I'm safe, I'm fine! Ano pa ba, Mom?" Walang gana kong sabi sa kanya pero patuloy pa rin siya.
Umirap ako at binagsak ang sarili sa sofa. Lumingon kaming dalawa ni Mom sa pinto nang marinig namin ang pag-tunog ng doorbell.
"Janine, buksan mo nga muna yung pinto at umiinit ang ulo ko sa kapatid mo!" I rolled my eyes before I stood up. Kumuha ako ng inumin sa refrigerator at nagsalin sa baso. Hindi matatapos si Mom hangga't hindi ako umaalis. "Tingnan mo 'yang kabastusan mo, Cake–"
"Mom! Pwede awat muna kayo ni Cake? May bisita tayo, oh."
I released a deep breath nang makarinig ako ng katahimikan. Pwede bang magpapunta nalang ako rito ng mga friends ko so my Mom will stop on nagging? Bisita lang pala ang makakapag patigil sa kanya.
"Good Afternoon, Hijo. You already knew my daughter, right?" She said, which made me roll my eyes.
Ang bilis talaga mag palit ng mood ni Mom. Talent n'ya 'yon.
As usual, she hired a new bodyguard for me. Again. Sa tuwing gumagawa ako ng mali, nag-ha-hire siya ng mga bodyguard. Para namang mapapatino ako ng mga 'yan?
"Yes, Ma'am. Ms. Cake Mendoza."
Nanlaki ang mga mata ko nang marinig ko ang pamilyar na boses na 'yon. Agad kong binaba ang basong hawak ko at mabilis na bumalik sa sala.
"What's your name nga ulit, Hijo?"
Kasabay nang pagpasok ko sa sala ang pagsagot n'ya sa tanong ni Mom, "Noe Kyle Ramos po, Ma'am."