AIRAM PAULEEN Gabi na pero wala pa rin si William, hindi ko alam kung dito ba siya kakain o kung dito ba siya matutulog. Hindi ko siya tinatawagan dahil nasa kontrata namin na bawal ko siyang tanungin kung nasaan siya. Pero sana bilang kasama niya ako dito sa bahay at sabihin man lang sana niya kung nasaang lupalop siya ng hindi ako nag aalala sa kanya. Mag isa kong kinain ang niluto ko, hindi ko na rin siya hinintay. Pumasok na ako sa silid namin, bago matulog ay nag half bath muna ako. Mula ng may mangyari sa amin ni William ay naging mas concious na ako sa sarili ko. Gusto ko na kapag uuwi siya ay mabango ako, hindi ko alam pero nahihiya na akong mag amoy panis pag katabi ko siya. Paggising ko sa umaga ay si William agad ang hinanap ng mata ko. Nadismaya lang ako ng makita ko na wal

