AIRAM PAULEEN Hindi naging madali para sa akin ang pagtira dito sa Amerika, madalas akong magkasakit dahil sa sobrang lamig ang klima. Naging maselan ang pagbubuntis ko at madalas lang akong naka bed rest. Nahihiya na rin ako kay Sir Steve dahil parang naging kargo niya pa ako. Kahit simpleng pagluluto ay hindi ko magawa. Madalas kasi akong mahilo kapag tumatayo kaya mas gusto niyang nasa kwarto lang ako. Ngayon ay anim na buwan na ang tiyan ko, mabuti-buti na rin ang kalagayan ko. Nararamdaman ko nang gumalaw ang mga anak ko sa aking tiyan. Nakaupo ako dito sa couch at hinihintay ang pagdating ni Sir Steve ng bumukas ang pinto ng apartment niya. Hindi na ako bumangon sa pag aakala ko na siya ang dumating. "Clap... Clap... Clap..." mabilis akong napabalikwas dahil sa narinig kong pumap

