WILLIAM Mayos na ang pakiramdam ngayon ni Airam, ilang araw din akong hindi nakapagtrabaho dahil personal ko siyang inalagaan. Nandito ako ngayon sa aking opisina at kasama si Steve. May mga inaayos lang kaming papers para sa bago naming project na gagawin. "Steve, nasabihan na ba ang mga engineers natin? Please set a meeting for me para makausap ko silang lahat," utos ko kay Steve. "Napadala ko na sa mga email nila; mamayang 3 PM ang meeting sa mga engineers," sagot naman agad ni Steve. "Good, malaking project ang gagawing ospital kaya kailangan matutukan natin 'yun. Tumawag nga pala sa akin si Tita; mukhang alam na nila na sa akin ka nagtatrabaho. Why would you talk to them? Baka naman nagbago na sila at narealize na nila na hindi ka nila pwedeng pilitin sa isang bagay na ayaw mong g

