AIRAM PAULEEN "Why did you slap Me," William said angrily. "Tama lang yan sa mga kagaya mong bastos," sigaw ko rin sa kanya. Nanginginig ang katawan ko sa paghaharap naming ito, pilit kong tinatagan ang sarili ko. Ayaw kong mapansin niyang natatakot ako sa kanya. "What brings you here? Ano bang kailangan mo?" tanong ko sa kanya. "Gusto ko lang makilala ang bagong COO. Ang sabi nila, magaling ka daw. Sa nakikita ko, parang isa ka lang baguhan at wala pang alam," matalim ang bawat salitang lumalabas sa bibig ni William. "Nagkakilala na ba tayo? Parang nakita na kita before. Hindi ko lang sigurado kung saan kita nakilala," muli niyang sabi na ikinakaba ko. "Talaga ba? Hindi kita matandaan. Baka nagkakamali ka lang," sagot ko sa kanya. "Siguro nga. Malabong maging ikaw 'yun dahil hindi

