AIRAM PAULEEN "Pag naka 50 viewers na, start na po tayo mga madam. Magaganda po ang mga item natin today. Naku sinasabi ko po sa inyo pak na pak na pak ang pormahan ninyo kapag bumili kayo sa akin ngayon. Pay now, ship tomorrow po tayo ha! No payment, no processing of order. Huwag po magagalit kapag hindi napunta sa inyo ang item. Seller screen po tao mga bebeloves ko." masayang sabi ko habang naglilive ako. "Sissy, pa flex naman ng nasa likuran mo yung kulay red." basa ko sa isang comment sa live ko. "Sure sis Joy, mine red kung sino may gusto free size po ito fit small to large. Napaka ganda po nito in person, imine niyo na po mga sissybells ko." sunod-sunod na HM ang ang nabasa ko mukang maraming may gusto. "For only 150 pesos, mine red. Palagay po ng code ha, para hindi po tayo ma

