WILLIAM MILLER Pagkauwi ni Mary ay kinuha ko na din ang mga gamit ko para makauwi na ako. Bukas ko na itutuloy ang trabaho ko, pagod na ako at gusto ko ng magpahinga. Alas onse na ng gabi nang makarating ako sa bahay. Bumaba ako sa sasakyan ko at agad na pumasok sa loob ng bahay. Inabutan ko si Lyn sa living na nanonood ng netflix at kumain ng prutas habang nakataas ang paa. "Nasaan si Kylie?" bigla siyang nagulat ng marinig niya ang boses ko. "W-William, n-nandyan ka na pala." natataranta niyang sabi. "Sagutin mo ang tanong ko? Nasaan si Kylie?" Mataas na ang boses na sabi ko. "H-Hindi ko alam eh, hindi naman siya tumawag sa akin. Kanina ko pa nga siya hi-hinihintay." kanda utal niyang sagot sa akin. "Hindi ka bisita dito sa bahay, hindi mo ba nakikita na napakarumi na ng buong ba

