WILLIAM Maaga pa ay tinawagan na ako ni Lolo para ipaalala sa akin na kailangan kong pumunta ng opisina ngayon. Kahit masakit ang ulo ko dahil sa kalasingan ko kagabi ay pinilit kong bumangon para maligo. Pumasok ako sa banyo at agad na binuksan ang shower, dama ko ang lamig ng tubig na umaagos sa aking buong katawan. Nitong mga nagdaang buwan ay halos kinatamaran ko na ang paliligo, parang nawalan ng direksyon ang buhay ko dahil sa pagkamatay ng asawa ko. Ngayon parang bigla akong nagising sa mahimbing na pagkakatulog, dahil sa mga sinabi ni lolo kahapon ay natauhan ako. Nawala na sa akin ang asawa ko, ayaw kong pati ang negosyo ko ay mawala na din. Pagkatapos kong maligo ay humarap ako sa salamin, ang laki ng pinagbago ng hitsura ko. Kung dati buhay na buhay ang mukha ko, ngayon ay ta

