AIRAM PAULEEN Ilang lingo na ag lumipas simula ng makabalik ako dito sa manila at tumira dito sa condo ni Sir Steve. Hindi siya dito nakatira, kami lang dalawa ni Anne dito. Madalas sa umaga ay ako lang mag isa, napasok na kasi si Anne sa kanyang bagong trabaho bilang receptionist sa kumpanya ng kaibigan ni Sir Steve. Nakaupo ako sa couch, kakatapos ko lang maglinis ng bahay. Wala naman akong ibang magawa dito kundi ang maglinis, mahihiya na nga ang alikabok na dumapo nito sa mga furniture at appliances kakapunas ko. Nagulat ako ng marinig kong may nag doorbell sa labas. Agad akong tumayo sa couch at naglakad papunta s pinto. Hindi ako sanay na mag nag dodoorbell kaya sinilip ko muna sa pinhole kung sino ang tao sa labas. Mabilis akong tumakbo pabalik sa loob ng tumunog ang telepono k

