THIRD PERSON Hindi matanggap ni Kylie na mas kinampihan ni William ang babaeng kinasusuklaman niya. Galit na galit siyang lumabas ng building na pag aari ng mga Miller. Kinuha niya ang kanyang telepono at may tinawagan siya. "Nasan ka?" tanong niya sa kabilang linya. "Nandito ako sa Condo, may problema ba?" tanong ng kanyang kausap. "Stress ako ako kailangan mong alisin ang stress ko." muling sagot naman ni Kylie. "Alright, yan ang gusto ko. Matagal na kitang hinihintay dito, akala ko nga nakalimutan muna ako." sabi ng kausap ni Kylie. Pinaandar niya na ang kanyang sasakyan, tinatahak niya ngayon ang daan patungo sa condominium ng taong kausap niya. Hindi naman nagtaagal ay nakarating si Kylie sa lugar ng kanyang pupuntahan. Nagpalinga-linga pa siya, tinignan kung may tao bang makaka

