WILLIAM Dumating ako galing sa opisina at hinanap ko si Airam, ang sabi sa akin ni Kylie ay hindi pa raw umuuwi. "William, bakit lagi naalis ang asawa mo, wala tuloy akong mautusan dito sa bahay mo." sabi ni Kylie. Napapansin ko na bumubuti na ang lagay niya, yun din daw ang sabi ng doktor niya. Na konti na lang daw ay gagaling na siya. "May trabaho kasi siya, saka may alalay ka naman diba siya ang utusan mo." sagot ko kay Kylie. "Babe, mas okay kasi kung yung asawa mo ang uutusan ko, mas alam niya kasi kung saan nakalagay ang mga gamit dito sa bahay natin." muli niyang sagot. "Kylie, hindi katulong si Airam, asawa ko siya at dapat mo iyon irespeto." sabi ko sa kanya. "Asawa mo lang siya sa papel, diba yun ang sabi mo? Hindi mo siya mahal, dahil hanggang ngayon ako pa rin ang maha

