WILLIAM Kailangan ko ng magmadali tumatakbo ang oras ko at maraming araw na akong nasasayang dito sa Laguna. Kailangan ko ng bumalik sa Manila para asikasuhin ang iba ko pang negosyo. "Boss, pumayag kaya si Miss Pau sa alok mo?" nakaupo kami ni Steve dito sa garden, kauuwi lang namin galing kila Pauleen. Kailangan ko pang magpanggap na nililigawan siya para lang hindi magtaka ang mga magulang niya kung sakaling bigla kong pakasalan ang anak nila. "Hindi ko alam kung tatawag siya sa akin; maprinsipyo siyang tao; kita ko sa ugali niya. Pero kung iisipin niya ang pamilya niya at magiging prctical siya, my offer is a big help to her and to her family. If ang goal niya talaga ay matulungan ang kanyang pamilya." sagot ko kay Steve. "Kung si Miss Pau ang ipapakilala mo kay Senior Artemio, tiy

