THIRD PERSON Dahil sa nakita ni Steve na kalagayan ni Pau, pagdating niya ng opisina ng dalaga ay agad na sumiklab ang galit niya. Nang maging ayos na ang pakiramdaman ni Pau ay nagpaalam siya rito at lumabas ng opisina ng dalaga. "Yvette, sino ang huling kausap ni Pau?" galit na tanong ni Steve. "Si Sir William po," kinakabahan namang sagot ni Yvette. Umalis si Steve sa harap ni Pau at naglakad patungo sa opisina ni Steve. "Anong ginawa mo kay,Mary?!" sigaw ni Steve kay William. "Inamin ko sa kanya na gusto ko siya, masama ba yun?" diretsong sagot ni William. Bigla na lang sumiklab ang galit sa puso ni Steve dahil sa narinig niya kay William,bigla niya itong sinugod at sinuntok sa mukha ng dalawang beses. "Putang ina mo, bro! Ang lakas ng loob mong umamin sa kanya. Inilalagay mo

