“Ano ang sabi mo, Mr. Aguirre?” Kunot na kunot ang noo niya. Kung akala yata ng lalaki ay masisindak siya rito, puwes ay nagkakamali ito. Kung totoo ngang demonyo ang katulong nito ay mas maigi dahil hindi siya magdadalawang-isip na saktan ito, o patayin. Imbes na sagutin nito ang tanong niya ay malakas itong tumawa. Halos kita niya na ang ngala-ngala nito dahil sa pagbuka ng bibig. Naaalibadbaran siya sa paraan ng pagtawa nito lalo pa at halata namang pilit at inaasar siya. “Hindi ako nakikipagbiruan sa iyo, Mr. Aguirre. Kung sa tingin mo ay nakakatawa ang biro mo ay nagkakamali ka.” Mababa lang ang boses niya, pero kalakip ng boses na iyon ang nagbabadyang panganib. Para siyang bulkan na ano mang oras ay sasabog kapag ipinagpatuloy pa ng kaharap ang kabaliwan nito. Tumayo si Michae

