After a week ay nakalabas na si Jia at Brent. Para maiwasan ni Michael na makausap ang isang katauhan ni Brent ay hindi siya dumadalaw sa kaibigan kapag walang kasama. Mabuti na nga lang at may mga normal na empleyado ang kompanya na parating dumadalaw sa lalaki kaya nagkakaroon siya ng pagkakataon na tingnan ang kalagayan nito. Nag-aalala siya para dito. Kung sa anong dahilan ay hindi niya alam. Pero sigurado siyang may kakaiba sa kaibigan. Kung si Jia, sa kakayahan nito ay hindi na siya nagtataka. Pero kay Brent. Ibang usapan na iyon. Hindi ito ganoon dati. Normal itong katulad niya noon. Hindi kaya— Hindi kaya may nangyari din dito na hindi nila alam? Pero ano iyon? “Hoy, ang lalim yata ng iniisip mo, ah?” Natinag si Michael dahil sa ginawang pagkalabit sa kaniya ni Jia. Okay n

