Maybe I’m crazy, maybe I’m not
Maybe I’m in love with you, or maybe I’m just nut.
Napatingin si Michael sa babaeng nakatayo sa labas ng maliit na bahay. May bakod na nakaharang sa kanila kaya hindi siya nito makita. Pero kuntento na si Michael na makita nang ganito kalayo ang babae. Sapat na kasi na makita niyang nasa maayos itong kalagayan.
Pinasadahan niya ng tingin ang babae. Nakasuot ito ng maluwag na T-shirt at basketball short. May hawak itong sigarilyo sa isang kamay habang nilalaro ang usok mula sa bunganga na ibinuga. Nakatayo ito habang nakasandal sa pader ng bahay na may pintura na kulay green. Wala itong tsinelas. Naka-cross ang mga binti nito habang tila may tinitingnan sa kawalan kaya ito nakatingala.
Mapagkakamalan na tomboy ang babae kung hindi mo talaga ito kilala, pero dahil kilala niya ito ay alam niya kung ano talaga ito. Isa itong totoong babae na nagtatago lang sa kasuotan ng lalaki.
Wala itong pinagbago.
Kung paano ito pumorma noon, ganoon pa rin ito ngayon. Pero aaminin niyang mas gumanda ang babae lalo pa sa ayos nito ngayon. Natali ang natural nitong kulot na buhok. But those hard to tame strands of curly hair
Isinubo ulit ng babae ang filter ng sigarilyo at humithit na para bang doon sa mismong sigarilyo nito ibinabaling ang kung ano mang nagpapasama o nagpapabigat ng loob nito. Matapos nitong hithitin ang sigarilyo ay ibinuga ulit nito ang usok pataas bago nito itinapon ang upos ng sigarilyo sa semento.
Mayamaya ay may lumabas na lalaki mula sa loob. Napatingin siya rito lalo na nang lapitan nito ang babae.
“Ilang stick na naman ba ng sigarilyo ang naubos mo, Jia?” tanong ng bagong labas sa babae.
Sandaling tiningnan ito ng babae bago muling tumingala. The girl bit her lower lips and half smiled. “I can feel him, Brent. I can still feel that he’s still around... ” saad nito, malayong-malayo sa mismong tanong ng lalaki.
“Jia... Please... Why are you doing this to yourself? Papahingahin mo rin naman ang sarili mo. It’s been a month since he left us.”
Itinuro ng babae ang dibdib sarili nitong dibdib. “Kahit gaano katagal, Brent, kung nandito pa rin ang bigat, panghihinayang, galit, at lungkot, ay hindi ko pa rin makalimutan kung paano ko hinayaan na mamatay si Michael.”
Napakunot ang noo ni Michael sa narinig. Ano ang ibig sabihin ni Jia? Mataman siyang nakatingin sa dalawa habang pinapakinggan ang usapan ng mga ito. Hinihintay niya ang sagot ni Brent, kaya sa bawat segundo na hindi ito nagsasalita ay para bang kinakain siya ng curiosity niya.
“Stop saying that, Jia. Magugulo mo lang ang kaso. Pulis ka at hindi mo magagamit sa korte ang dahilan mo.”
“Who says that I will tell that to anyone. The hell! Bukod sa iyong kapatid ko ay wala na akong pagsasabihan pang iba. I don’t trust anyone. I will investigate in my own way. Nagpakamatay siya? Haaa! Nakakatawa. Sino ang niloko nila?! Kahit ikaw, Brent, kahit hindi mo sabihin sa akin, alam kong alam mo na hindi capable si Michael na magpakamatay. He’s not suicidal. May pumatay sa kanya.”
Napasuklay sa buhok si Brent. Nakita ni Michael ang pagtaas at pagbaba ng balikat nito. Indikasyon na humugot ito nang malalim na paghinga.
“Ano ang nangyayari, D?” mahinang tanong niya, pero katulad kanina ay wala pa ring sagot siyang nakuha mula rito.
Michael didn’t know what the demon is up to. Masyado itong tahimik.
“Alam nating pareho na hindi nagpakamatay si Michael, Brent. Pinatay siya.”
Hinarap ni Brent ang kapatid. “Sige nga, sabihin natin na pareho tayo ng sapantaha na hindi nagpakamatay si Michael, pero paano mo iyan mapatutunayan sa korte kung walang nakakita talaga sa bangkay niya? Kapag tinanong ka, ano ang isasagot mo sa mga kasamahan mong mag-iimbestiga? Na napanaginipan mo na ang mangyayari kay Michael sa gabing iyon? That someone would stabbed him to death?”
“I understand where you’re coming, Jia. But we can’t just tell everyone that you have this psychic power and that you’ll able to see what will happen in the future. Hindi tatanggapin ang alibi na iyan sa korte. Besides, kahit ang mga katulong na pinagkakatiwalaan ni Michael ay tila wala ring alam sa totoong nangyari. Pinatulog din sila. At ayokong lumantad ka sa publiko dahil ayokong masaktan ka na naman sa mga panghuhusga nila, Jia.”
Naiintindihan niya si Brent lalo pa at alam niya ang kakayahan ni Jia. Una niyang nakilala si Jia noong college siya. Jia was loner and weird, kaya kahit maganda ito ay hindi ito nilalapitan ng mga kalalakihan. She was center of bullying. Yeah, bullying in college, until it happened. Someone push Jia’s attitude to the limit. Ipinahiya ito ng isang babae sa gitna mismo ng stage habang nag-i-speech ito.
Iyon ang kauna-unahang beses na narinig niya sa mismong bibig nito ang dahilan kung bakit ilag dito ang mga kalalakihan sa college.
“You will die tomorrow, Analyn. I saw it in my dreams. You will die awful. Masasagasaan ka at kahit ang mga magulang mo, hindi ka makikilala.”
Iyon ang sinabi ni Jia sa babae, at kinabukasan ay nangyari nga iyon. The police investigated her, ito ang naging suspect sa pagkamatay ng babae kahit pa nga hit and run ang nangyari kay Analyn.
Pero dahil sa kanya ay napawalang-sala ito. Siya ang naging saksi na wala itong kasalanan. Sinundan niya kasi si Jia. He was curious about her.
“Dahil napagtatakpan ang katotohanan ng pera, Brent. At wala tayo noon. Mabuti nga at binigyan ka ng chance ni Michael na para makapagtrabaho ng maayos sa kompanya niya, eh,” saad ni Jia dahilan para mabaling ulit ang atensiyon niya sa magkapatid.
“Alam mo ang dahilan kung bakit ako pumasok sa kompanya ni Michael, Jia.”
Mas naguluhan si Michael sa narinig mula kay Brent.
Ang totoo ay kaibigan niya si Brent. Pero walang nakakaalam noon sa kompanya nila. Ayaw ng lalaki dahil ayaw raw nito na isipin ng tao na kaya ito nagkaroon ng posisyon sa kompanya ay dahil may kapit ito sa mismong CEO ng kompanya.
Minsan ay nagkikita silang tatlong magkaibigan sa isang private restaurant. Ang kaso, nitong huli ay halatang iniiwasan siya ni Jia kaya nga hindi niya man lang ito nakita hanggang sa patayin siya. Ang una, akala niya ay galit lang ito dahil sa nililigawan niya. But he was wrong.
Hearing it from her.
Mukhang alam niya na ang pag-iwas nito sa kanya. At iyon ay alam nito na mamamatay siya.
Pero alam kaya niya na nabuhay ako? tanong niya sa sarili. Naipilig ni Michael ang balikat dahil sa naisip.
“We will get through this, okay? Aalamin natin ang totoong nangyari kay Michael.” Sa boses na iyon ni Brent ay puno ito ng assurance na para bang malalaman nga nito ang totoo.
“But how?”
“May matandang nagtatrabaho sa kompanya ni Michael. Sa tingin ko ay may alam siya sa totoong nangyari. Mukhang alam niya ang dahilan. Sa tingin ay may com—” Natigilan sa pagsasalita si Brent, maging si Michael ay nagulat dahil sa biglaang paglingon ng magkapatid sa gawi niya.
“Hide behind the tree, Michael. Leave everything to me,” saad sa kanya ni D kaya agad siyang tumakbo palayo sa bahay ng magkapatid at nagtago sa puno ng balete na nakita niya.
Mula sa pinagtataguan ay tinanaw niya ang magkapatid na palingon-lingon sa paligid at tila may hinahanap.
“You saw him, right, Brent? You saw Michael too, right?” Nakita niya ang pamalisbis ng luha sa mga mata ni Jia kay napailing siya. Ayaw niyang umiiyak ito. Mahalaga sa kanya ang babae dahil kaibigan niya ito.
“I—” Napailing si Brent. Mukhang nagdalawang-isip itong sabihin kung ano man ang nasa isip. Nilapitan nito ang kapatid at niyakap.
“I should h-have told him the t-truth, Brent. I should h-have told him before the s**t h-happened. Paano ako maka-move on kung pakiramdam ko ay narito lang siya? Paano? Nahihirapan na ako. Parati ko siyang naiisip. Parati kong naiisip sa sarili ko na paano kung sinabi ko sa kanya ang totoo?”
“Shhh... Stop tormenting yourself, Jia. Mas mahihirapan si Michael. Come, let’s get inside. Wala ka pa namang sapin.”
“I miss him, Brent. I miss him. And God knows how I regret not telling how I really felt about him. Hindi ko man lang nasabi sa kanya na mahal ko siya.”
Napaatras si Michael sa narinig. Hindi niya inaasahan na maririnig iyon mula sa babae. Nakaramdam siya ng panghihinayang. . .
Napailing siya. Gusto niyang matawa sa sitwasyon.
“Bakit ngayon pa?” tanong niya sa sarili. “Bakit ngayon ko pa na-realize na mahal din kita, Jia?”
Umuwi si Michael sa barong-barong ni Mang Jun na bagsak ang balikat. Nahulog siya sa sitwasyon na kailan man ay hindi niya na matatakasan. Huli na ang lahat para ma-realize niya na hindi si Veronica, ang nililigawan niya, ang hindi para sa kanya.
Now that he’s trap in this hollow life. At ano mang oras ay mawawala na naman siya...
Nang tuluyan.
Maybe, everyone has there own story of one that got away. And in his case, it was Jia.