CHAPTER 16: ASKING HIS ORIGIN

1103 Words
Mabilis, pero maingat ang naging pagkilos ni Michael nang makalabas siya sa elevator. May mga nakakasalubong siyang iilan, pero hindi niya na ipinagtaka iyon. Every one who works here is hardworking. Si Jam mismo ang nagturo niyon sa mga empleyado nila. Magkaiba sila ng kaibigan, istrikto kasi ito, tapos siya ay mabait sa mga empleyado niya lalo na sa maliliit. May puso siya, na parating pinupuna sa kaniya ng kaibigan niya. “Babagsak ka riyan sa kahinaan mong iyan, Michael. Parati na lang puso ang pinapairal mo.” Ipinilig niya ang ulo para kalimutan ang isiping iyon. Hindi niya pinagsisihan na naging mabait siya sa mga simpleng empleyado niya. Ang pinagsisihan niya ngayon ay nagtiwala siya sa mga taong akala niya ay kaibigan niya. “Got your six, mortal...” “Why?” mahina niyang tanong sa hindi nakikitang kaibigan. “I need to guard you. You are only mine, Michael... I won’t let anybody claim what is mine.” Bumuntonghininga siya. Tumingin siya sa likuran niya. Walang tao kaya nagpatuloy siya nang walang pag-aalinlangan. Malapit na siya sa opisina niya kaya naman mas binilisan niya pa ang paghakbang. The excitement was flowing through his veins. Ngayon niya lang naramdaman ito sa buong buhay niya. Malapit na, Michael... Napangiti siya habang nakatingin sa pinto ng opisina niya. Pero ang ngiti niya ay biglang nawala nang may maulinigan siyang mga boses na papunta sa gawi niya. Hindi siya maaaring magkamali. Kilala niya kung sino ang nagmamay-ari ng boses na iyon. “s**t!” mura niya lalo pa at papalapit na ang yabag ng mga paa sa kinaroroonan niya. Napatingin siya sa paligid. Nasa hallway siya, at ngayon ay gusto niyang sisihin ang sarili kung bakit hindi niya nilagyan ng secret door ang palapag na ito na kokonekta sa opisina niya. Nasa ika-limampo at apat na palapag ang kinaroroonan niya ngayon kung nasaan ang ipasa niya, kaya wala siyang takas. Tumingin siya sa kaliwang bahagi kung saan naroon ang nakasarado na bintana. Napailing siya. Hindi siya puwedeng tumalon doon dahil hindi siya sigurado kung bubuhayin pa siya ng nilalang ng daffodil kung namatay ulit siya. He has no unlimited access to life. It just happened that the clan he belongs was cursed a long long time ago. And the curse was pass from generation to generation. And he will make sure that he’s last on the line. Hindi siya papayag na magkakaanak siya ng lalaki at sasapitin din nito ang buhay na mayroon silang mga naunang henerasyon. Isipin niya pa lang na magkakaroon ng masalimuot na buhay ang magiging anak niya, napanghihinaan na siya ng loob. “You jump out the window. Don’t worry, I'll take care of you...” anang boses kaya naman walang pagdadalawang-isip na tinakbo niya ang bintana sa hindi kalayuan. Tumalon siya, at paglapat ng mga paa sa salamin ng bintana ay nabasag iyon dahilan upang magkaroon siya ng pagkakataon na makalabas agad. Nang dumampi ang hangin sa balat niya, akala ni Michael ay bubulusok na siya pababa, pero nagkamali siya. At ganoon na lang ang gulat niya nang may mga kamay na lumapat sa likuran niya, yumakap sa kaniya, kasabay ng pagpagaspas ng tila malalaking pakpak sa likurang parte niya. Michael didn’t close his eyes. He wants to see what he saw in his dream. Gusto niyang makita ang mga pakpak nito nang personal. Ang tangkang paglingon niya sa likuran kung nasaan ito ay hindi naituloy nang lumapag na ang mga paa niya sa rooftop ng building. Nang lumapat ang mga paa niya sa semento, ay wala na rin ang nilalang na may mga pakpak sa likuran niya. Michael knows that the one who was helping him is a demon. Pero ang alam niya kasi sa mga katulad nitong alagad ng dilim ay walang pakpak. Ang mayroon lang sa mga ito ay sungay at buntot. Pero hindi ba at hindi niya nakitaan ng buntot at sungay ang tumutulong sa kaniya? Bagkus ay pakpak nito ang napansin niya. Pakpak na nakalimutan niya kung ano ang kulay. “What will I do now, D?” Tumingala si Michael kaya sinalubong siya ng nakasisilaw na araw. Naglakad ang binata papunta sa puno ng dalandan at doon sumilong. “I will give you the papers you need.” Kahit ilang hakbang na lang ang layo niya sa puno ng dalandan ay natigilan siya dahil sa sinabi nito. He can’t understand why he’s doing this to him. Why D is helping him. Bakit masiyado itong mabait sa kaniya? Umiling siya dahil sa labis na pagtataka. “Hindi kita maintindihan,” pag-amin niya rito. “You don’t have to understand me, Michael. All you have to do is obey what I tell you.” Nagpatuloy siya sa paglalakad dahil tila sinusunog ang balat niya dahil sa sinag ng araw. Masiyadong mainit sa kinaroroonan niya. “I know that. I am bound to you, right? Don’t worry, wala akong balak na takasan ka.” Itinuon niya ang dalawang kamay sa likuran niya and crossed his legs, dahil hindi komportable ang ayos niya ay nagtunugan ang mga buto niya. “Nagtataka ako, D...” pag-amin niya, pero hindi sumagot ang kinakausap niya. Marahil ay alam na nito ang ibig niyang sabihin. Perp kahit ganoon pa man ay nagpatuloy pa rin siya. “Bakit nawawala ka kapag kaharap si Brent? You’re not answering my questions kaya alam kong wala ka sa tabi ko kapag nasa malapit siya. Bakit, D? Ano ang dahilan?” “Sigurado ka bang iyon ang itatanong mo? O baka gusto mong malaman ang sagot sa orihinal mong tanong?” Nagulat siya sa narinig. Hindi niya maalala, pero sa tingin niya ay ito ang kauna-unahang beses na nagsalita ito ng Tagalog. D talked in Tagalog like he’s a native Filipino. Napaisip siya. Mas mahalaga ngang malaman niya ang sagot sa una niyang tanong. In that way, mababawasan ang gumugulo sa isipan niya. Ibinuka niya ang bibig, subalit hindi itinuloy ang dapat itanong. Nagdadalawang-isip siya. Ayaw niyang isipin nito na ito ang sinisisi niya sa nangyari sa bawat kadugo. And he can’t find the words what to ask him. Paano nga ba niya itatanong kung ito rin ba ang dahilan kung bakit namatay ang mga kadugo niyang nauna sa kaniya? Tapos may nabuo sa isipan niyang katanungan. Iyon ang nais niyang malaman ngayon. Gusto niyang mabigyan ng kasagutan kung bakit naging ganito ang bloodline ng kalalakihan sa kanila. “Kailan nagsimula na kunin ninyong mga alagad ng dilim ang buhay ng mga lalaki sa amin? How did this all happen? Ano ang dahilan? At sino ang dahilan?” sunod-sunod na tanong niya at hinintay ang sagot nito.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD