“Ang ganda ng buwan, ano?” Mula sa paglakatingala ni Michael sa kalangitan ay napalingon siya kay Jia. Naglalakad ito papunta sa kaniya habang ang may hawak na tasa sa kaliwang kamay at sa kanan naman ay may sigarilyo pang may ningas. “Naninigarilyo ka pala.” Hindi siya nagtunog naninita. Mas tamang sabihin na kailangan niya lang ng topic para makausap ang babae. “Oo. Matagal na. High School pa lang ay nagyoyosi na talaga ako. Tumikim lang naman para sana maranasan, kaso hinanap-hanap ko kaya kalaunan ay naging bisyo. Bakit, ikaw ba? Hindi ka nagyoyosi?” Umupo ito sa sa sun lounger bago humigop ng kape bago humithit-buga ng sigarilyo. “I don’t smoke. Ayokong mamatay nang maaga.” What an irony, huh? Kahit siya ay hindi napigilan na maging sarkastiko sa sarili. “Wow, ha? What a word.”

