"Good morning, beautiful." Para naman akong natunaw sa kanya nang ngiti agad ang unang iginawad ni Star nang imulat ang mga mata. Kakagising niya lang but here I am─at her room. Inabot ko sa kanya ang dala kong tulip na bulaklak. Eh, ba't ba, ayaw ko ng rose, eh. Para naman akong aning na kinilig nang abutin niya iyon at inamoy. Sa totoo lang, hindi ko ma-appreciate yung mga taong nagbibigay sa akin ng bulaklak pero nang makita ko kung paano siya ngumiti sa binigay ko, pakiramdam ko alam ko na. Ang lagay lang, mas gusto kong ako ang magbibigay sa kanya. "Thank you," mahinang pagpapasalamat niya. Medyo husky pa ito pero ang hot lang pakinggan. Bedroom voice, shocks. Hindi pa rin ako sanay na ganoon ang boses niya sa umaga. Malambing na parang nang-aakit. I know she didn't mean it pero

