"Bakit kayo nandito?" naguguluhang tanong ko kay Rain. Tinuro ko ang dala niya. "At bakit may dala kang unan?" She rolled her eyes at hinila ang girlfriend niyang si Kris palapit sa amin ni Star na nakatulog na. Nandito kami sa living room at kasalukuyang nanonood ng movie nang biglang magpakita itong pinsan at best friend ko. Buti pa 'tong si Rain, girlfriend na si Kris. Kami kaya ni Star, kailan ko kaya siya magiging girlfriend? "Makikitulog kami rito." sagot ni Rain, "Tsaka magre-review raw kayo." I frowned my forehead. "Review?" Kris sighed. Umupo siya sa tabi ko, umusod naman ako para hindi siya masikipan. Dumantay ang ulo ni Star sa balikat ko kaya medyo, I mean, sige na, kinilig talaga ako. Ang cute lang kasi. Inihilig ko nang maayos ang ulo niya sa akin. Baka mangawit, eh. "R

