"Para saan 'to?" Iwinawagayway ko sa harap ni Kris yung form na inabot sa amin ng teacher kanina. "Try mong basahin, Shann, hindi yung nagtatanong ka." pambabara niya sa akin. Umirap siya nang mabilis, ngumiti, at nag-peace sign. Parang ewan. "Tinatamad ako." Yumuko ako habang hawak ang form na hindi ko pa nababasa as I checked my phone kung may text ba ako from Star. Hay, wala. "Kanina mo pa sinisilip 'yang phone mo." Nagdududang sabi niya sa akin. "Yung totoo, may boyfriend ka na, 'no?" "Wala," I pouted my lips. How I wish Star is my girlfriend... Kailangan ko na talaga maka-graduate sa pagiging torpe. Napaismid ako. Kaso naman, kahit makaamin ako, ano nga bang mangyayari? I know that my feelings isn't what I should prioritize but Star's welfare. Kaso ang hirap magpigil. Habang tum

