ENDING

927 Words
Her POV Isa sa mga pinaka inaabangan natin sa kwento ay ang pagtatapos. kung masaya ba o malungkot ang kwento ng mga bida. Hindi ko alam na pwede palang mawakasan yung pain na nararamdaman. Pag kasi nararamdaman mo yung pain ang naiisip mo lang, hindi ka magiging okay o ang tanong mo, posible pa ba akong maging okay? At nung panahon na nararamdaman ko yung pain, hindi ko na naimagine yung sarili ko na magiging okay. Naglalakad ako ngayon at hindi ko alam na sa daraanan ko ay naka tambay sya. After a year nakita ko ulit sya ng harapan at napagmasdan ang mata nya. "Uy! ano ginawa mo dito? tanong nya sa kaba ko, nag salita ako habang nag lalakad patalikod sa kanya at sinabing "Ah, ano, sa ano sa school. may inasikaso lang. Ang epic lang. nung dadaan na ulit ako sa harap nya nag katitigan kami. pero bat ganun? bakit ang lungkot ng mata nya? hindi ba sya masaya? bakit hindi sya masaya? bakit yung paborito kong mata nya ay hindi masaya? Ang dami kong tanong sa sarili ko, kung maayos ba sya, kung bakit ganoon na sya, kung bakit hindi sya mukhang masaya. Ilang buwan matapos nung aksidenteng nag kita kami, ay nagkita ulit kami. " Ang dami ko kasing problema" sambit nya sa mga kaibigan habang tumatawa. kaharap ko ngayon yung iniyakan ko ng almost 6 years. pero hindi ako masaya na ganyan sya, na naliligaw at hindi masaya. simula't simula kahit nasasaktan nya ko at sinaktan nya ko pinagdarasal ko na sana masaya sya at okay sya. ni minsan hindi ko ginusto yung makita syang ganyan. kahit iba yung kasama nya nung panahon na iyak ako ng iyak araw araw at kahit madaling araw dahil sa kanya mas inisip ko parin na sana maging masaya sya, kahit hindi na ako. Alam ko kahit hindi nya sabihin sa kanila ay hindi sya okay at kailangan nya ng kausap. siguro kung parehas parin ako ng dati, siguradong kakausapin ko sya. kahit sa huli alam kong masasaktan ako. pero iba na yung sitwasyon ngayon, may masasaktan na. Habang nasa iisang lugar kami naisip ko, ang layo na namin sa dati. siguro nga, panahon narin para itigil ko na. hindi na ako parte ng buhay nya at wala na rin akong maitutulong sa kanya. Ibang-iba na sya sa dati, sa minahal ko. hindi na ako parte ng kwento nya ngayon. Masyado pala akong nakulong sa ideya ng nakaraan. akala ko ganun parin sya sa nakaraan, nakalimutan ko nasa present na pala kami. hindi ko naisip na Ibang-iba na kami ngayon. na hindi kami nag grow na kasama ang isa't- isa kaya hindi ko na sya kilala. Siguro nga, hindi lahat ng closure ang kailangan pag-uusap. Nung nakita ko ulit sya after a year at nalaman ko yung sitwasyon nya, sabi ko sa sarili ko. "Okay tama na, alam mo na yung sitwasyon nya. hindi kana makakatulong at hindi kana part ng buhay nya kaya tama na." and that's it. after that I feel okay na although may part parin na I feel sad. normal lang naman yung ganung feeling kasi finally na let go mo na sya. letting go doesn't mean na wala ka ng paki sa kanya. its just that, kailangan mo, kasi hindi na kayo ngayon parte ng isa't- isa. naaalala ko, laging tanong sa akin ng mga kaibigan ko. "bakit ang tagal mo mag move on? " "Bakit hindi ka maka move on? hindi ko ginustong maka move on noon, hindi ko kasi nakikita yung sarili ko na meron ng iba at hindi sya. But time goes by. Paunti unti naging okay ako. hindi ko pinilit. Pa unti-unti naubos na yung luha ko sa kanya. Nakakaubos at nakakababa pero wala na akong magagawa, ginawa ko na yung paraan na kaya ko noon. Paghihintay at laging anjan sa kanya kada kailangan nya. marami akong pagkukulang noon pero wala na akong magagawa ngayon. Tapos na yung kwento namin. Ibat -iba yung way natin ng process of healing, ng way para maayos yung sarili natin. kaya kung saan tayo komportable go lang, basta alam natin yung tama at mali. kung naliligaw na ba tayo habang nasasaktan. Ang pinaka huli kong hiling para kanya? ganun parin sa simula. Ang maging masaya at maging okay sya at makita ko ulit yung mga mata nya na masaya. Hindi naman lahat ng pagwawakas ay iisa lang ang ending. Minsan masaya ka pero malungkot kasi tapos na yung kwento, minsan naman malungkot pero masaya kasi yung kwentong yun, gustong gusto mo pero umabot kana sa point na tapos na. Hindi naman porke tapos na ang kwento ay kakalimutan mo na. pwede mo parin naman balikan at basahin ulit. pero hindi na tulad ng pagbasa mo dati na nasasaktan ka pero masaya ka. ngayon, dapat masaya ka nalang. kasi yung kwentong yun ay parte ng buhay mo na bumuo sa kung ano ka ngayon. Ang kwento namin ay parehas lang sa mga nababasa, may pagtatapos. At kahit tapos na ang kwento namin, hindi ko ito kakalimutan at patuloy na tatanawin sa mga bituin. Ang kwento na nag pa iyak at nagpasaya sa akin. "Minsan masaya ka pero malungkot kasi tapos na yung kwento, ( masaya ka sa kwento nyo pero tapos na kaya nakakalungkot ) Minsan naman malungkot pero masaya kasi yung kwentong yun, gustong gusto mo pero umabot kana sa point na tapos na.( malungkot ka kasi yung kwento nyo tapos na pero masaya ka kasi finally tapos na yung pain na nararamdaman mo.) March 4, 2021 ~panya❤️

Great novels start here

Download by scanning the QR code to get countless free stories and daily updated books

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD