CHAPTER 05

1690 Words
NANG mga sandaling ‘yun ay papunta na si Mohr sa opisina niya pagkatapos niyang bumisita kay Fevor sa ospital. Kukunin lang niya ang mga papeles doon na kailangan niyang pirmahan at aalis na rin siya agad. Habang nagmamaneho ay naisipan niyang tawagan ang kaibigan niya na si Lucan kung saan ay ilang beses lang itong nag-ring hanggang sa may sumagot na rin sa kabilang linya. “Anong balita?” Walang emosyon na bungad niya kay Lucan. [Ginagamot na siya ni Hisae ngayon. Hindi naman na siya nag tanong pa sa akin ng mga detalye tungkol sa nakita niyang kalagayan ni Belle.] “Ganon ba. Ihatid mo na lang siya ulit sa bahay pagkatapos niyo diyan, uuwi na rin ako mamaya.” saad niya pa. [Anong balita kay Fevor?] Agad na tanong ni Lucan sa kaniya nang aktong ibababa na sana niya ang tawag. Natigilan naman siya sa bagay na ‘yun pero hindi na rin nag tagal at sinagot niya na ang kaibigan. “He’s fine. But based on what he said earlier… it looks like he’s really determined and has no intention to stop finding that woman,” he answered flatly and nonchalantly. [Kung ganon, Mohr… ibalik mo na lang ang babaeng 'to sa kaniya. Hindi magtatagal at baka malaman na rin ni Fevor na ikaw ang nagtatago kay Belle. Malaking gulo 'to lalo na sayo.] Napahigpit ang hawak ni Mohr sa manibela dahil sa sinabi ng kaibigan. Para bang hindi niya nagugustuhan ang takot na pinapakita nito. “Are you damn scared?” [No. Pero magiging kasalanan mo ito pag nagkataon. Remember the rule number 3. Nalabag mo na ang rule number 2, malaking kasalanan 'to at alam mo 'yun.] Magsasalita pa lang sana si Mohr pero narinig niya na ang pag-disconnect ng tawag sa kabilang linya kaya hindi maiwasan ni Hellmohr na mapa-igting ang kaniyang panga. Sa organisasyon na kinabibilangan nilang tatlo nina Fevor, may mga rules na talaga siyang nalabag. Ang rule 2, ang pagmamay-ari ng isa ay hindi na pag mamay-ari ng iba. Kaya nga sa organisasyon nila ay iba’t-iba ang trabahong pinagkaka-kitaan nila, hindi sila pwedeng maging magkapareho para maiwasan ang pagiging magkalaban nila… at ganon din pag dating sa babae. Si Mohr ay nag mamay-ari ng iba’t-ibang kompanya na may kinalaman sa mga buildings, si Lucan ay sa casino at si Fevor naman ay sa mga baril. Meron siyang shop ng iba’t ibang mga baril at kilala ‘yun sa buong mundo. Ang pangatlong rules naman ay may malaking kabayaran ang naghihintay sa mga lumabag na nakagawa ng kasalanan. At ‘yun nga ang mga nilabag ni Mohr kaya naman alam niya kung bakit ganon ang naging reaksyon ng kaibigan niyang si Lucan. Alam ni Mohr na may alam si Lucan sa nangyari sa pagitan nilang dalawa ni Fevor noon, pero pinagbayaran na ni Fevor 'yun, but it’s not enough for Mohr. Handa rin naman siyang tumanggap ng parusa sa mga nilabag niya, basta ang mahalaga ay magantihan niya lang ito… and this time ay wala nang makakapigil sa kaniya at hindi na siya magpapapigil pa. DELLANES Medical Center… TAHIMIK lang si Belle habang ginagamot siya ng isang dalaga na nakasuot ng white coat na pang doktor. Nakatali ang medyo light brown na buhok nito at kapansin-pansin rin ang singkit na mga mata nito at saka ang maliit na labi na kulay pink. Seryoso lang habang ginagamot siya ng babae at gano’n din naman siya. Wala siyang maramdaman na kahit anong sakit mula sa mga pinapahid nito sa kanyang mukha, especially… sa kaniyang mga sugat. Nag tagal din ng halos ilang minuto ang pag gagamot nito sa mukha niya hanggang sa maya-maya pa ay lumipat naman ito ngayon sa paa niya. Tahimik lang na sinusuri ng doktora ang kanang paa niya hanggang sa nag salita na ito. “Malala ang pamamaga ng paa mo, but I think, you don’t need an x-ray. Mukhang ‘yung laman lang naman ang naapektuhan at walang damage sa buto mo. Cold packs lang at saka reresitahan na rin kita ng ointment na pwede mong ipahid sa namamagang part. For now, lalagyan na lang muna natin ng benda para maiwasan ang pananakit. Kukuha lang ako ng gamit sa labas.” Mahinahon at nakangiting sabi sa kaniya ng doktora kung saan ay tanging pag-nod na lang at isinagot ni Belle. Sinundan niya lang nang tingin ang doktora nang lumabas na ito ng clinic. TULUYAN nang lumabas si Hisae sa clinic nito para pumunta sa storage kung saan nakita niya si Lucan sa may pathway na nakasandal sa may wall habang nakatuon din ang isang paa nito sa mismong pader at naglalaro pa ito nang hawak-hawak na metal cigar lighter. Kulay silver ‘yun kung saan ay may nakaukit pa na LM na magkadikit that stands for Lucan Marcini. Nang dumaan siya sa harap ng binata ay agad siyang nagsalita dito, “Pakitulungan mo naman ako sa mga gamit na kailangan kong kunin sa storage.” mahina pero walang emosyon na saad ni Hisae kay Lucan at saka siya dumiretso na sa paglalakad. Hindi na siya nag abala pa na lingunin si Lucan dahil naramdaman naman niya na sumunod ito. Dire-diretso lang siya na pumasok sa storage room at doon nga kinuha ni Hisae ang lahat ng kailangan niya para gamutin ang paa ni Belle. “Who owns her?” walang emosyon at walang paligoy-ligoy na tanong ni Hisae kay Lucan nang maramdaman niya na pumasok na nga ang binata sa loob ng silid na ‘yun. Nakatalikod pa rin siya sa binata habang binabasa niya ‘yung oitment na kukunin niya. “Kay Fevor." tipid na sagot ni Lucan sa kaniya kaya naman awtomatikong napatigil siya sa binabasa niya at saka agad na napalingon siya kay Lucan. “Niloloko mo ba ako Marcini? Hindi dinadala ni Fevor sa ospital ang mga laruan niya. Kung hindi niya pinapatay, ipinapatapon niya ‘yun sa malayong lugar,” agad na wika ni Hisae sa pag-aakala na nagsisinungaling sa kaniya ang ang binata. “Alam ko, pero pag-aari talaga siya ni Fevor… na kinuha at itinatago ni Hellmohr.” Lalong napatigil si Hisae sa sinabi ng kaibigan niya. “Si Mohr?” “Oo. Itinatago ni Mohr si Belle kay Fevor matapos makatakas nu'ng babae dito. Si Mohr kasi ang nahingan ng tulong ni Belle ng mga panahon na ‘yun.” Pag amin sa kaniya ni Lucan. May tiwala rin naman kasi siya kay Hisae na hindi ito magsasalita laban kay Mohr dahil magkakaibigan sila. At dahil sa mga nalaman ng doktora kaya hindi maiwasan nito na mapakunot ng noo at mag alala na rin. “Nasabi mo na ba kay Mohr ang pwedeng mangyari?” Napatango naman nang sunod-sunod sa kaniya si Lucan at saka ito nagsalita, “Yeah. I already told him everything. I also reminded him the rules and the possible consequences of his actions.” “At anong sinabi niya?” “He’s determined to keep her.” Kahit kasi hindi na hinintay pa ni Lucan ang isasagot ni Mohr kanina ay alam niyang wala nang makakapagbago pa sa iniisip nito. “Kare wa jigoku no yo ni hontoni kurutte imasu!” Inis na sabi ni Hisae at nilampasan niya na si Lucan at saka lumabas na ng storage room. *He’s really crazy like hell! Hindi naman maiwasan na mapailing na lang si Lucan sa sinabi ng kaibigan niya dahil hindi naman niya alam ang ibig sabihin no'n. Remember, pure Italian siya… samantalang Japaneses naman si Hisae at ang kaibigan niya rin na si Eiji. Ngumiti na lang si Hisae kay Belle nang magtama ulit ang paningin nila nang pumasok na siya sa clinic. Ngumiti lang din ng simple ang dalaga sa kaniya. Mabilis niya lang itong ginamot kasi naisip ni Hisae na makipagkita kay Hellmohr mamaya pag nagkaroon siya ng libreng oras. LUMIPAS ang ilang minuto at tapos na siyang gamutin ng doktora kaya ngayon ay nasa loob na ulit sila ng kotse ni Lucan para makauwi na. Tahimik lang na nagmamaneho sa kaniyang tabi ang binata habang siya naman ay nakakaramdam na ng gutom. 'Nagugutom na ako.' Hindi maiwasan na sambitin ni Belle ang mga kataga na ‘yun sa kaniyang isipan. Hindi niya rin kasi alam kung dapat niya ba ‘yung sabihin sa lalaking kasama niya. But in the end ay pinili na lang niya na manahimik at sarilinin ang nararamdaman niyang gutom kasi hindi naman sila close na dalawa para sabihin pa 'yun. Nang makarating na sila sa bahay ni Hellmohr ay hinatid pa siya ni Lucan hanggang sa may labas ng pintuan ng bahay. "These are the medicine that were given to me earlier, you need to take them to fasten the healing process of your wounds. Add to that, nandiyan na rin ‘yung mga gagamitin mo sa paglilinis ng sugat mo.” saad ni Lucan sa kaniya. Tinanggap naman ni Belle 'yun. "S-salamat,” mahinang pagpapasalamat niya dito. Ngumiti naman ng simple sa kanya si Lucan. Papasok na sana sa loob pero naramdaman niya ang mabilis na pagpigil ni Lucan sa kanya sa pamamagitan nang marahan na paghawak nito sa braso niya. Noong una ay natigilan si Belle dahil doon pero hindi nagtagal ay dahan-dahan na siyang humarap muli kay Lucan at tiningnan ito nang nagtataka. Diretso lang na nakatingin sa kanya ang binata at ilang segundo pa ang lumipas ay saka pa lang binitawan ni Lucan ang braso ni Belle at nagsalita ito. "I'm sorry, but I cant help myself to tell you this. Nakaligtas ka kay Fevor pero it doesn't mean na hindi rin gano'n ang aabutin mo kay Mohr. Hindi ko masabi kung baka mas malala pa ang maranasan mo, pero pag hindi mo na kaya at ayaw mo namang bumalik kay Fevor… it is much better if you will just kill yourself. You can't escape no matter what you do. You can not hide especially with Mohr. They will both look for you when you run away. I know this is a foul advice… and I knew this is not an option for you, but your DEATH is the only way for you to escape."
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD